Chapter 7

108 26 0
                                    


"Target"

...

"Wala kang nakita..." halos namamaos kong sabi kay Marco. Nandito na kami ngayon sa hallway, naglalakad.

Gulong gulo ang isip ko dahil sa mga nangyari. Nahihiya ako kay Marco dahil nakita niya iyo'n. Pero mas okay naman na siya ang nakakita kaysa iba pa naming mga kaklase. Mas mapagkakatiwalaan naman siya kaysa sa iba. 

Halos wala ng tao dahil mag aalasais na pala. Pero alam ko malapit ng mag-sara iyo'ng second gate. Tahimik na sa paaligid, naririnig iyo'ng paghikbi ko kaya tinigil ko na ang pag-iyak.

Nakahawak parin siya sa braso ko. Nauuna siyang maglakad pero mabagal naman, sakto lang para makapaglakad ako ng hindi naghahabol sa kaniya. Ang bilis niya kasing maglakad minsan tapos palagi akong naiiwan. 

"Anong ginawa niya sa'yo?" he asked and let go of my arm to face me.

Nakayuko lang ako hindi makatingin sa kaniya dahil nakakahiya, nakita niya akong umiiyak! Tapos nakakahiya rin iyo'ng naabutan niya sa office.

"W-Wala nag usap lang kami," nauutal kong sabi. Nainis kaagad ako sa sarili! Totoo naman na nag-usap lang kami, halos wala nga akong naintindihan pero umiyak pa ako.

"Wala? Pero umiiyak ka?" medyo tumaas ang boses niya, galit 'ata. Nag-angat ako ng tingin. Nakakunot ang noo niya at mukhang galit nga.

"Nag-usap lang kami. Basta please h'wag mong sasabihin kina Sairah," nakatingala na ako ngayon sa kaniya para matitigan siya. "A-Ayaw kong ma-issue pa kami."

"Sure ka walang ginawa sa 'yo?" mabilis aking tumango. He stared at me for a long time before he said. "Okay," yun lang at naglakad na siyang muli.

Muntikan pa kaming masarhan ng gate kung hindi lang siya mabilis maglakad. Halos patakbo na ang paglalakad ko para makahabol sa kaniya. Nang makalabas na kami ng gate halos wala na ring estudyante roon. 

"Nasaan sila?" tanong ko at humawak sa braso niya para hindi maiwan sa pagtawid.

Pagabi na pero madami pa rin ang sasakyang dumadaan lalo na ang mga jeep na pang pasahero. Iyo'n kasi ang kadalasan sinasakyan ng mga estudyante rito. Wala 'atang last trip kaya hindi nauubos ang jeep na dumadaan. 

"Nasa dorm," matipid niyang sabi. Hindi naman niya tinatanggal iyo'ng kamay kong nasa braso niya. Pero hindi ko alam kung galit ba siya o ano?

Tumango na lang ako. Alam ko na kung kaninong dorm 'yon. Palagi kasing doon kami tumatambay. Minsan doon kami nagrereview at tuwing friday or thursday night ay doon din ang inuman namin. Kapag sabado naman ay doon rin ako nakatambay kapag tinatamad umuwi sa amin.

"Gago, bakit mag-iinom?" nagtatakang tanong ko dahil sa gate palang ng dorm ni Sairah ay ramdam ng mag-iinuman. Hindi sumagot si Marco at nauna pang pumasok. Galit 'ata talaga?

"Uy! Bakit ang tagal mo? Napagod ka ba?" nakakalokong salubong sa akin ni Abby. Hindi ko naintindihan ang tanong niya kaya umiling na lang ako.

Rinig mula rito sa sala ang boses ng iba pang barkada doon sa kusina. Siguro ay nagluluto na naman sila ng kung ano.

"Gaga! Pinagsasabi mo? Bakit mag-iinom?" tanong ko ulit. Baka sakaling sumagot siya. Si Marco kasi hindi sumagot tapos sa kusina dumiretso. Badtrip na naman 'ata. Minsan ang hirap din intindihin ng utak no'n!

"Sabi ni Jl wala daw klase bukas ng umaga, kaya pwedeng mag-inom!" tuwang-tuwa pa siya at mukhang sabik 'ata sa alak.

Mag-isa lang si Sairah dito sa Dorm niya. Medyo malapit din sa University at walking distance rin naman. Mayaman naman kasi siya kaya kahit solo niya ang bayad dito sa dorm ay okay lang. Medyo nagtataka nga ako kung bakit dito pa siya nag-aral. Silang dalawa ni Marco, mukhang mayayaman pero sa public school lang? 

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon