"Beginning"
. . .
August 04, our first day of the second year in engineering.
"Hey. Miss you guys!" nakayakap sa akin si Abby pero abala ang mata ko sa paghahanap kay Marco.
Unang araw namin sa University bilang second year. At sobrang excited na ako na makita sila lalong-lalo na si Marco. Halos madiliin ko ang araw para lang makasama ulit siya. Halos hindi ko nga na-enjoy ang bakasyon dahil sa pag-iisip sa kaniya.
"You look so stress, okay ka lang?" napabaling ako kay Erika, nakatayo siya sa tabi ni Abby na nagtatakang nakatingin din sa akin. Siguro dahil hindi ako nag-ayos bago pumunta rito sa school. Sinuklay ko lang buhok ko pagkatapos maligo at magbihis.
"Ah, oo."
Binalik ko ang mga mata ko sa paghahanap kay Marco. May ilan-ilan pang classmate namin ang wala dito. Nag-text naman ako sa kaniya pero tulad ng mga nagdaang araw sobrang dalang
niyang mag-reply."Wala pa si Sairah, na'ndyan ba siya sa dorm niya?" tanong sa akin ni Abby.
Napansin ko ngang wala si Sairah. Halos hindi rin nagparamdam sa akin ang bruha simula ng magbakasyon. Hindi rin siya active sa social media kaya naman wala talaga kaming balita tungkol sa kaniya.
"Hindi ko napansin 'e," itinigil ko na ang paghahanap kay Marco. Sigurado namang dadating din yun ngayong first day.
"You know what guys, sobrang busy 'ata ni Sairah last vacation 'no?" saglit na napatulala si Abby bago nagpatuloy. "Hindi man lang nagparamdam."
"Baka busy sa pag-swimming," pagbibiro ni Erika.
"Sabagay, ako nga sinulit ko talaga yu'ng bakasyon sa pag papapayat 'e."
Puro post si Abby ng mga work outs niya nu'ng bakasyon. Desididong magpayat kahit hindi naman siya ganu'n kataba. Maarte lang siguro.
"Ako with jowa lang, pa-advance sa ilang subjects," natawa kaming dalawa ni Abby dahil sa vacation routine ni Erika, sobrang boring! Puro aral din talaga ang isang 'to.
"Ikaw May? Kamusta kayo ni Marco? Ang tahimik n'yo sa group chat nung bakasyon 'e," pag-uusisa ni Abby.
"Wala, busy din siya," yu'n lang ang sinabi ko. Halos wala naman talagang ganap sa aming dalawa ni Marco nu'ng nagbakasyon. Sa text at chat lang kami nakakapag-usap tapos sobrang dalang pa niyang mag-reply.
"Ha? So wala kayong usapan nitong bakasyon?" tila nabasa naman ni Erika ang nasa isip ko.
"Medyo," nakangiwing sabi ko. Kasi totoo naman. Okay naman kami ni Marco ang kaso parang may mali.
"What? Ang boring n'yo naman, akala ko pa naman magkasama kayo nu'ng bakasyon. Wala 'man lang outing kahit kayong dalawa lang?" sunod-sunod na sabi ni Abby kaya tumango lang ako.
Naalala ko nu'ng niyaya ako ni Marco na magkita. sayang talaga dahil hindi ako pumayag. Tapos ngayon, ako ang balisang-balisa na magkita kami!
"Hey, guys! Miss you!" mabuti na lang at dumating sina Ino, Allian at John.
"Miss you too . . ."
Lumapit kami nina Abby at Erika kay Ino para yumakap. Hindi naman masyadong malambing sa amin sina John. Itong si Ino lang talaga.
"Bakit kulang kayo ng isa?" saglit niyang inilibot ang paningin sa loob ng classroom. "Si Sairah?"
"Wala pa, baka naliligo pa," si Abby ang sumagot.
"Hey." Lumapit din sa aming tatlo si John para yumakap. Medyo nagulat tuloy ako dahil akala ko hindi naman siya ganito. Siguro na-miss niya lang talaga kami dahil ilang buwan din namang hindi nagkita.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...