"Past"
...
May mga kaibigan na ako. Hindi katulad dati na madalas mag-isa ako at ayaw ng kausap.
Ang sabi niya kasi sa akin. . . maghanap daw ako ng kaibigan. Mas masaya daw kapag may kasama ako bukod sa kaniya. Noong una takot akong subukan pero ng ginawa ko ang sinabi niya. . . totoo nga. Masaya ang may kaibigan.
I don't know, but I suddenly felt nervous when I heard that voice again. They have the same voice. . .Same face. Same body but. . . the feeling is different.
Lumingon ako sa likod namin dahil doon ko narinig iyo'ng boses. I was a little surprised to see who it was, but I immediately hid my nervousness. I straightened up and smiled sweetly at him.
I should not smile at him, but I still did.
"Hi! kailan ka pa nakabalik?" iyo'n ang una kong naitanong. Kahit na alam ko hindi naman dapat.
Bakit ka pa bumalik? Sinungaling ka. Masaya ba nu'ng umalis ka? Mas masaya ka 'ata sa ibang babae.
Its been a five? Or six years? Ang kapal naman ng apog nitong lalaki na 'to. Hindi ko mapigilan na magmura sa isip ko. Siguro bitter lang ako. . . pero nasaktan naman talaga ako noong umalis siya ng walang paaalam.
Sana 'man lang kasi nag-paalam siya 'di ba? Hindi siguro nangyari ang ma iyo'n kung. . . nagpaalam ka at kinausap ako. Maiintindihan ko naman. Magkaiba ang mundo namin. may responsibilidad ka. May mas maganda kang buhay kaysa sa ilog kung saan tayo palaging nagkikita. Kung nagpaalam ka sana. . . hindi mangyayari lahat ng iyo'n.
I did not know that we would meet here. That we will meet again. . .Akala ko nakalimutan na niya ako pero mukhang hindi pa. . .
"Matagal na. . ." halos hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Dito ka pala nag-aaral?" tanong niya sa akin. Nakatitig siya kaya medyo naiilang ako.
Nararamdaman kong nanonood sa amin ang barkada pero hindi naman sila nagsalita. Tahimik lang si Sairah na nasa tabi ko. Nagmamasid.
"Ah oo."
Ayaw ko ng magsalita. Pero kung mananahimik ako, baka magtaka ang barkada.
"Ikaw? Bakit nandito ka?"
Halos matawa ako sa sarili dahil sa sobrang pag-papanggap. Hindi okay. Gusto ko siyang sigawan at huwag kausapin pero. . . natatakot naman ako na baka magtaka ang barkada.
I still try to calm myself, even though the truth is. . . I wanted to slap him, kick him, or punch him. Makabawi-bawi naman sa katangahan nya noon! It's not his fault, but I can't help being mad at him. Syempre, kung maayos siyang kausap hindi mangyayari yo'n!
That would not happen if he had been there. . .Kung sumipot siya, maayos sana ang lahat.
"May dadaanan lang," sagot niya. Sobrang awkward na. Pareho lang kaming nagtitigan at ayaw bumitaw sa tingin.
I wanted to cry, but I forced myself not to. I can see many emotions in his eyes.
"A-Ah okay! Una na kami? One hour lang lunch time namin e."
Kinagat ko ang ibabang laabi ng matapos. Hindi na ako nag-abalang hintayin ang sagot niya at tumalikod na agad para umalis. Kahit na gusto ko pang lumingon. . . hindi ko na ginawa.
Mabuti at wala rin namang imik ang mga kasama ko. Sumunod na kaagad sila ng magsimula akong maglakad. Hindi ko na rin nagawang ipakilala sila sa lalaking iyo'n. Pakiramdam ko ay hindi rin naman siya mahalaga kaya ayos lang.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
Storie d'amoreNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...