"Drunk". . .
Nagsimula na kaming mag-inuman at gaya ng napagkasunduan nila ay mataas nga ang tagay sa akin. Tuwang-tuwa si Sairah, at asikasong-asikaso niya ako. Hindi niya alam na alam ko namang nililibang niya ako para madaya o siguro ay malasing agad. Hindi ko alam kung bakit ba trip nila akong lasingin. Gusto 'ata nilang makita kung paano ako magwala? Hindi naman ako ganoon kapag lasing.
"Hindi naman ako matakaw sa juice! Nasa'n na yung lemon? Iyo'n ang sa akin 'di ba?" Tinanggihan ko ang juice na inaabot sa akin ni Sairah. Hinanap ko kaagad iyo'ng lemon pagkatapos kong inumin ang shot na para sa akin.
Ayaw ko ng kung ano ano. Okay na sa akin ang lemon dahil masyadong napupuno ang t'yan ko kapag nag-chaser.
"Lakas mo siz! Wa-epek ang alak sa'yo 'e," natatawang binaba ni Sairah ang juice do'n sa tapat niya at tsaka ako inabutan ng isang slice ng lemon. Hindi naman mapait iyo'ng iniinom namin dahil sa lime juice. Mas trip ko talaga kapag gano'n dahil hindi masyadong nalalasahan ang pait ng alak.
Tapos ang akala 'ata nila walang epekto sa akin ang alak. Madalas lang talaga na hindi ko pinahahalata 'e. Kaya bilib na bilib sila ang hindi nila alam magaling lang akong um-acting.
"Sabi sa inyo, 'di effective yan 'e," pag-segunda ni Abby.
Bakit ba gusto nila akong malasing? There is nothing special when I get drunk. I'll just sleep and wake up in the morning. What do they think? Will I cry? Dance like crazy? Or sing random songs? Parang tanga lang.
"Sows, effective 'yan mamaya. Dalawang bote palang naman nauubos natin. Si Kier oh! Bilis tamaan ng alak!" natatawang banggit ni Jay.
Agad naman akong lumingon sa tinuturo niyang si Kier. His cheeks were already red from the drunkenness. I also laughed with them, I don't know, but I feel that the alcohol is already invading my system.
"Oy pre! Kaya mo pa?" tanong ni Ino kay Kier na nakayuko na sa tabi ni Marco.
"Oo naman," sagot naman nito kahit halatang hindi na. Tinaas pa nito ang kamay at nag-sign ng okay. Okay. Lasing na siya kaagad!
"Lasing na 'e," pang-aasar ni Angge pero siniguradong hindi maririnig ni Kier.
Sadyang mahina talaga si Kier sa inuman. Noong unang beses na nag-inuman kami nahalat kaagad kung sino ang mga mahihina. Palibhasa halos mayayaman ang iba sa kanila kaya sanay sa mga pang mayaman na alak.
"Oy nga pala kamusta kalandian mo sa EE, Sairah?" Mabilis na kay Sairah napunta ang atensyon ng lahat dahil sa pagtatanong ni Angge. Pakiramdam ko lasing na rin ang isang 'to dahil kung ano ano na ang tinatanong.
"Cool lang! Tropa kami," chill na sagot ni Sairah bago inumin ang shot niya. nakita kong lumingon siya kay Kier at nagtagal ang titig do'n. Hindi ko na pinansin dahil baka lasing na rin siya. Nagpatuloy naman ang pag-ikot ng shot para sa iba.
"Sows, tropa daw! Palaging bumibisita do'n sa dorm 'e," tumawa ako ng marinig ang medyo lasing na boses ni Erika. Halos alam din niya lahat ng ganap sa buhay ni Sairah dahil mahilig siyang magkwento kapag tungkol sa mga lalaki niya.
Palagi kasing nagkwekwento si Sairah do'n sa group chat naming apat nina Abby. Kaya halos lahat talaga alam namin ang basta tungkol sa lalaki niya. Minsan nga kapag lunch time namin ay do'n siya sumasabay sa kalandian niya. Siguro napansin na rin ng ibang classmate namin.
"Basta tropa kami," malanding sabi ni Sairah. Ayaw aminin na kalandian niya nga 'yon! Bahala siya d'yan. Halatang-halata naman ayaw pa umamin. Doon kasi siya medyo nagtagal. Iyo'ng sa iba mabibilis lang tapos nagsawa na rin siya.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...