Chapter 22

89 18 9
                                    

"Confessed"

. . .

"Ang sama tumingin no'ng taga kabila oh," pagtuturo sa amin ni Sairah do'n sa mga taga kabilang section.

Na'ndito kami ulit sa gymnasium para sa larong panlahatan daw. Kaya imbis na nagbe-beauty rest kami ngayon para sa e-night mamayang gabi, e' napilitan kaming umattend dito.

"Barkada ni Louise 'yan," si Abby.

"Baka nabalitaan comeback n'yo. Kaya ganiyan," sabi din ni Erika.

"Ang bitter naman ni Louise," tumawa silang tatlo nang sabihin iyo'n ni Abby.

Bakit sa akin siya magagalit? Hindi ko naman siguro kasalanan kung ayaw talaga sa kaniya ni Marco. Ang hinhin niya kasi masiyado. E' ako konti lang.

"Ang tagal naman magsimula!" reklamo ni Sairah dahil mag aalas dyes na pero hindi pa nagsisimula ang laro.

"Dapat pala 'di natin inagahan" tutok sa cellphone na sabi ni Erika. Paniguradong katext na naman niya yung jowa niya.

"Cr lang ako." Kaagad akong tumayo dahil ihing-ihi na ako. Mukhang matagal pa naman bago magsimula.

"Samahan ka namin?" tanong ni Abby habang nakatayo na para sumama sa akin.

"Wag na, saglit lang ako," hindi ko na hinintay na mangulit sila. Kaagad akong tumakbo papunta sa pinakang malapit na cr. Ang kaso pagkarating do'n ay ang daming tao. wala tuloy akong choice kung hindi ang pumunta pa sa malapit na buiding sa gymnasium.

Nakasalubong ko ang grupo nina Louise habang naglalakad ako papunta sa building ng CIT. Nag-iwas kaagad ako sa masasama nilang tingin. Ihing-ihi na ako kaya wala akong oras sa kanila. Mamaya mapaihi pa ako dito e.

"Buti naman. . ." nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang masiyadong tao sa Cr ng CIT.

Dumiretso kaagad ako sa isa sa tatlong cubicle ng Cr. Nagmamadali pa akong pumasok dahil ihing-ihi na talaga ako. Tahimik sa loob kaya nagmadali rin ako.

Kakatapos ko lang maghugas ng kamay sa lababo ng biglang pumasok si Louise kasama ang mga barkada niya.

Tumaas ang kilay ko ng humarang ang isa sa pinto. Palabas na sana ako pero gusto 'ata nila ng away? Pagkatapos ay diretsong nakatingin sa akin si Louise. Yak! Parang bata? Dito talaga nila ako aawayin? Parang elementary ang style!

Eww.

"Escuse me," nilampasan ko si Louise para lumabas ng Cr. Ang kaso ayaw umalis no'ng barkada niyang nakabantay sa pinto. Gusto talaga nila ng away? Naiiling na hinarap ko si Louise. "Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko.

"Escuse me? Hindi mo talaga alam?" mataray na sagot niya malayo sa mahinhing babae na laging kasama ni Marco noon. Hays plastik!

"Hindi. Kaya nga ako nagtatanong 'di ba?" mataray din na sagot ko. Kung akala niya natatakot ako dahil apat sila. Duh! Laman ako ng guidance dati dahil kay Lena! Nadadamay ako tuwing may kababag siya. 

"Anong meron sa'yo?" masungit na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Umikot-ikot pa siya sa akin. "Hindi ka naman gano'n kaganda, maputi ka lang. . ." pang-iinsulto niya.

Pero anong paki ko? Daming insecure sa akin. Ngayon pa ba ako maniniwala sa kaniya? Bitter lang siya!

"Alam mo? Para kang bata," pairap kong sabi dito. "Hello! College na tayo tapos mga moves mo pang elementary," nang-aasar na sabi ko. Kaagad namang namula ang ilong niya dahil sa inis.

"Bitch!" Umilag kaagad ako ng makitang sasampalin na niya ako. "Shit!" Umabante siya para habulin ako. Gaga siya! May party mamaya. Bawal akong magka-pasa' sa mukha!

No One Left (No One Series #I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon