"Fall"
. . .
"Bakit nan'dito ka?" tanong ni Marco bago ipatong ang isang jacket sa balikat ko. Kaagad nabawasan ang lamig na kanina ko pa nararamdaman. "Malamig dito. Ayaw mo pang matulog?"
Napatitig ako uli sa kaniya. Hindi ko na 'ata talagang maiwasan na mapatitig sa kaniya. Kanina pa. Ang sarap niyang titigan. Hindi ako makapaghintay na makapag-tapos na kaagad kami. Sana tuparin niya yung pangako niya kanina.
"Uy! Parang tanga ka, bakit ka nakatitig na naman?" hinawakan niya ang pisngi ko. Tumatawa siya pero ng makitang seryoso lang akong nakatitig sa kaniya ay nanahimik siya.
Kinagat ko ang labi ko bago magsalita. "I love you . . ." wala sa sariling bigkas ko. Sa pangalawang pagkakataon ay nasabi ko iyo'n sa kaniya.
"I love you too . . ." napapikit ako ng ilapit niya ang mukha sa akin. Sandali lang ay naramdaman ko ng lumapat ang labi niya sa noo ko. Napangiti ako, ayaw niya sa lips?
"Gusto ko ng grumaduate kaagad. . . " Niyakap niya ako palapit sa kaniya.
"Ako din." Sumandal ako sa kaniya.
Sobrang tahimik na ng paligid. Nang matapos ang party kaninang ala-una ay kaagad kaming lumabas ng University at dumiretso sa dorm ni Sairah. Kanina pa sila tulog pero hindi naman ako tinatamaan ng antok. Nakakatakot na matapos ang araw na 'to, baka mamaya panaginip lang pala.
May ilan-ilan pa ring sasakyan na dumadaan. Madilim pa rin sa paligid kaya naman ng hindi ako makatulog ay kaagad akong lumabas.
Ewan ko ba. Hindi ako makatulog dahil parang may bumabagabag sa akin. Nabibilisan ako sa mga nangyayari sa amin. Parang kailan lang kasi magkaaway pa kami. Hindi kami nagpapansinan at nanliligaw siya sa iba, tapos may nanliligaw sa aking iba. Sobrang bilis. Ngayon okay na kaagad kami.
Shit! Ang rupok ko pala talaga! Tama ba 'to? Ganito ba talaga?
"Ayaw mo pang matulog?"
"Hmm . . ." tumango lang ako habang nakasandal pa rin sa balikat niya.
"Kunin ko saglit yung gitara," paalam niya kaya naman umayos ako ng pagkakaupo. Kaagad akong nakaramdam ng parang may kulang at hindi kompleto ng makita kong naglalakad siya palayo.
Bakit ganito? Simula pa lang pero hulog na hulog na kaagad ako. Nakakatakot, pero parang may kung ano sa akin na nagsasabing mas okay ng ibigay ang lahat para walang pag-sisisi. Ayaw ko ng maiwan kaya sana naman siya na hanggang sa huli.
"Tugtugan kita."
Bumalik siya sa pwesto niya kanina sa tabi ko. Inayos niya muna ang gitara bago ako hinila palapit sa kanya para mapasandal muli sa balikat niya. Nagsimula siyang tumugtog. Marahan lamang iyo'n at masarap pakinggan.
Sana ganito nalang kami palagi. Kung pwede lang. Sana siya na talaga, ayaw ko ng iba pa. Inalis ko ang mata ko sa panonood ng mga bituin at christmas lights. Lumingon ulit akos a kaniya. Bumigat ang mga mata kopero pinilit ko paring panoorin siya.
Inaantok na talaga ako. Siguro dahil sa tinutugtog niya?
"I wish you're the one for me."
"I love you . . ." narinig kong bulong niya bago ako tuluyang nakatulog.
"Oy bruha! Blooming mo a?" pang-aasar sa akin ni Jhoe.
Christmas vacation na at napagpasyahan ng mga bruha na magkita-kita kaming pito. Halos limang buwan din kaming walang matinong pagkikita at pag-uusap dahil busy sa school. Iba talaga pag-college dahil kahit pareho naman kami ng school na pinapasukan nina Valerie, Maye at Jhoe ay wala kaming time na magkita.
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...