"Started"
. . .
"Let's go guyses!" parang tanga na sigaw ko ng makalabas kaming magbabarkada sa gate.
Pag ka-abot namin ng gate-pass sa guard ng school namin ay umalis na kaagad kami at nag lakad papunta sa paradahan ng jeep. Mainit sa daan pero mas pinili pa rin namin ang maglakad kaysa ang sumakay ng trycicle. May nakaparada naman sa tapat ng gate ang kaso ayaw sumakay ng barkada para raw tipid.
"Bili tayo nun oh!" sigaw ni Lena.
Nauna agad siya roon at hindi na kami hinintay na pumayag. Nagmamadali rin tuloy sa pagsunod ang barkada kaya sumunod na lang din ako.
Napasimangot kaagad ako ng makalapit. Kwek-kwek lang naman pala! Ang akala ko kung ano kasi natutuli sa pagtakbo itong si Lena! Basta talaga pag pagkain!
"Dalawa sa'kin po."
Nakipag-agawan pa sa akin si Valerie sa baso na lagayan. Sumimangot ako at hinayaan na lang na mauna siya. Takaw talaga!
Napansin ko ang pagtawa ni Marel at Jhoe sa tabi. Sa aming lima ay silang dalawa ang pinakang tahimik at palaging nakikitawa lang kapag may kalokohan na joke si Lena at Valerie.
Ang totoo ay pito kami sa barkada. Maiiwan sa Senior High School si Kimmy dahil maaga itong nag-kaanak. Tumigil siya ng isang taon kaya naiwan namin siya. Yung isa naman si Ella, nag-aaral palang siya ng Junior highschool. Kasing edad namin siya pero late na siyang nag-aral.
Halos lahat kami ay sa school lang nagkakilala. Simula noong Junior highschool ay magkakaibigan na kami at mas naging close lang sa mga inuman session. Syempre, 'di ko naman inakala na magkakaroon ako ng kaibigan.
Masaya naman silang kasama. Marami akong natutunan simula ng maging kaibigan ko sila. Ang akala ko nga noong una mahihirapan ako dahil ayaw ko sa maingay at madaldal na tao.
"Bilisan na natin baka malate tayo," pag-aaya ko sa kanila ng makabili na kaming lahat.
Ngayon kasi ang entrance exam namin para sa college. Mag kakaiba kami ng course na kukunin pero iisang school lang naman ang papasukan kung papalarin. Syempre, gusto ko sana magkakasama pa rin kami kahit na sa college. Feel ko mahihirapan akong magkaroon ng friends dahil hindi naman ako masyadong friendly na tao.
"Kinakabahan ako baka bumagsak tayo," umirap kaagad ako ng marinig ang sinabi ni Marel.
"Grabe! Ang nega n'yo naman! Papasa tayo 'noh!" sinubukan kong magpatawa at baliwalain ang posibilidad na baka bumagsak nga kami.
Nakakakaba naman talaga pero dapat h'wag kang papahalata. Mas lalo ka lang matatakot kapag pinahalata mo na takot ka. Entrance exam lang yo'n! Feel ko mas marami pang mahihirap na haharapin sa future.
"Bilisan na natin ang init pala! Dapat kasi nag trike na nga tayo!" reklamo ni Lena at nauna na sa paglalakad.
Medyo malapit lang naman ang paradahan dito papuntang Sta. Cruz. Doon kasi ang medyo malapit na college dito sa probinsya namin. May iba pa namang college doon ang kaso puro private na at may bayad.
Hindi kami mayayaman kaya napag desisyunan naming lima na dito na lamang kami pumasok sa sariling probinsya at hindi na mag Maynila. Balak pa sana nina Mama at Papa na du'n ako pag-aralin sa Maynila! Mabuti na lang scholar ako kaya dito na lang.
"Sana maraming pogi do'n!" parang sira na nangangarap si Lena.
'Yun naman lagi ang una niyang hinahanap sa mga schools na pinasukan namin. Katulad na lang nung enrollment namin noong Senior high. Puro mga pogi rin ang unang hinanap niya. Medyo nakakahiya tuloy siyang kasama noon dahil tumitili pa kapag may poging nakita!
BINABASA MO ANG
No One Left (No One Series #I)
RomanceNo One Series 001 Mayzee is a student who only wants to have a piece of life. She hopes that she won't feel anything when a person she trusts leaves her. She wanted to be free. She wanted to forget everything. . . She loves her friends. She valued...