Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata nang malanghap ang mabangong pagkain na marahil ay nasa loob ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Unti-unti akong bumangon sa kama at nakita ang bulto ng Montemayor na kumidnap sa akin. Nakaupo siya sa isang silyang kaharap ng lamesa habang humihigop ng sabaw.
"Kumain ka na." mariin niyang utos.
Tanging boxer shorts lang ang suot niya kaya kitang-kita ko ang kalakihan ng kanyang katawan. Napakagat ako ng labi habang hinahanap ang mga damit kong inihagis niya kagabi.
Nang makapagbihis na ay lumapit na ako sa kanya at naupo sa kaharap niyang silya. Nakahanda na rin doon ang aking pagkain. Tahimik lang siyang kumakain habang mataman ko siyang tinitingnan.
"I'll bring you home. But there are conditions, Ritzely."
Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. Hindi dahil sa sinabi niyang iuuwi niya na ako kung hindi dahil sa marahan niyang pagkakabanggit sa pangalan ko.
"Bakit? Napag-alaman mo bang hindi talaga ako ang hinahanap mo, Mr. Montemayor?" nakangisi kong sinabi.
Dalawang araw pa lang akong namamalagi rito pero parang nawala na ang takot ko. Parang gusto ko siyang asarin ngayon. Huwag niya lang ulit akong sasaktan dahil ayaw ko nang mangyari iyon. Kaya naman agad kong winala ang ngising lumapat sa labi ko.
"I have you investigated, so I'm setting you free. But I have conditions. You will not tell anyone that I have kidnapped you. You will not tell anyone that I brought you here for the reason that you already know. You will not tell anyone everything that happened here in my mansion. And lastly, we will forget that we've met each other. If ever you happen to see me, ignore me and pretend that you didn't know me. I can give you money for the damage done, Ritzely."
Suminghap ako sa kabila ng lahat ng narinig. Galit ko siyang tiningnan habang nakakuyom ang mga kamao.
"Ano?! Ganoon na lang iyon? Nagkamali ka ng dinukot na tao! Kinidnap mo ako! Ni-rape mo ako dahil akala mo ako ang girlfriend ng best friend mong pumatay sa girlfriend mo! Tapos ngayong nalaman mong hindi pala ako 'yon, sasabihin mo sa aking kalimutan ko ang lahat! At handa mo akong bayaran para doon! T*ngina ka pala eh! Hindi mababayaran ng kahit gaano kalaking pera ang dignidad kong sinira mo!" sigaw ko habang nag-iigting sa galit. Mabilis na pumatak ang mga luha mula sa mata ko. Kasunod noon ang aking hikbi. Parang dinudurog ang puso ko sa sakit.
Ganoon na lang iyon? Nagkamali siya at ang tangi niyang sasabihin sa akin ay babayaran niya ako! Ang kapal ng mukha niya! Wala siyang kwentang tao!
"Ganyan naman kayong mayayaman! Wala kayong pakialam sa nararamdaman naming mahihirap! At pagkatapos mo akong gawan ng masama, pera lang ang itatapat mo sa akin! Ang kapal ng mukha mo!" bulyaw ko pa.
Masama niya akong tiningnan pero marahas kong tinapatan ang mga titig niya. Hinawakan niya ako ng mariin sa pulso.
"At anong gusto mong gawin ko? Pakasalan kita dahil ni-rape kita? Gawin kitang kapalit ng girlfriend ko? Dream on, Ritzely! Masarap ka pero hindi ikaw 'yong tipong papakasalan ko!"
Padabog siyang umalis sa harap ko at malakas na sinara ang pinto pagkalabas niya roon. Malakas akong umiyak sa sakit na naramdaman. Ganoon na lang iyon? T*ngina niya!
I was drugged that day. Nagising na lang ako na nasa loob ng sarili kong kwarto sa apartment na tinitirhan ko. Napakagat ako sa labi at umiiyak na bumangon.
Gusto kong kalimutan ang masasamang nangyari sa loob ng dalawang araw na iyon. Pero mukhang mahihirapan ako. Napakasakit ng ginawa ng lalaking 'yon sa akin. Ni-rape niya ako. Sinaktan niya ako physically. At ang masakit pa sa lahat ay napagkamalan niya lang akong girlfriend ng best friend niya na siyang pumatay sa jowa niya. Hindi ako ang dapat nakaranas ng lahat ng iyon kung hindi si Ma'am Eliza.
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...