Unang araw ko sa trabaho. Kinakabahan ako pero dahil pinapalakas ni Rizmond ang loob ko ay nawala naman kaagad iyon.
Sabay kaming pumasok sa opisina. Hinatid niya ako sa Monte Royale at ipinakilala na rin sa mga staff ng restaurant. Mukhang mababait ang mga staff roon at maganda ang pag-welcome nila sa akin.
Tinuro sa akin ni Lira ang mga dapat gawin. Maraming dapat i-monitor pero alam kong kayang-kaya ko iyon. Wala naman akong bagay na hindi kinakaya.
"Baka nao-overwhelm ka, Ate Ritz. Sabihin mo lang sa akin. Masyado na yata akong maraming naituturo sa'yo." nakangiting pahayag ni Lira.
"Naku, hindi naman, Lira. Okay lang. Masasanay rin ako sa dami ng trabaho." pahayag ko naman.
Kumakain kami ng lunch ngayon. May biglaang meeting si Rizmond kaya nagsabi siyang hindi muna kami magsasabay sa pagkain. Okay din naman dahil makaka-bonding ko pa si Lira.
Mabait si Lira. Hindi siya mahirap maging ka-close dahil magaling siyang makisama. Para ngang matagal na kaming magkakilala sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Hindi tuloy ako nahirapang mag-adjust.
"Buti naman, Ate. May meeting ako sa kabilang building mamaya kaya maiiwan kita dito. Alam kong kayang-kaya mo silang i-handle." nakangiti pang sabi ni Lira, talking about our staffs.
Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Alam mo, Ate. Ang swerte ni Kuya Mon, dumating ka sa buhay niya." sabi pa nito saka sumubo ng steak.
"What do you mean? Ako nga ang ma-swerte sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako rito ngayon. Siya ang dahilan kung bakit matutupad ko ang mga pangarap ko. Kaya kung may swerte sa aming dalawa, ako iyon." sagot ko naman.
"Oo naman. Swerte kayo sa isa't-isa. Pero tingin ko, noong nagkakilala kayo, iyon rin 'yung time na nagbago siya." Tumingin siya sa akin bago muling nagsalita. "He was broken-hearted. And when you came, nagbago siya. Iyong dating mainitin ang ulo at walang tigil sa pagtatanggal ng mga workers namin ay nag-iba. Takot na takot nga ang mga empleyado ritong magkamali eh. Dahil alam nilang kapag gumawa sila ng mali, kahit maliit na bagay pa iyon, tatanggalin talaga ni Kuya Mon."
Pinagpatuloy niya ang paghiwa ng steak at sinubo ang maliit na piraso noon. Uminom naman ako ng wine bago sumagot.
"Ganoon ba talaga siya kasama noon? I heard it from Tita Brenda, actually. Buti nga at sinasalo ni Tita ang mga tinatanggal niya." sabi ko naman.
"Well, nagi-guilty rin siguro si Tita. Pumayag rin kasi siyang maabswelto si Kuya Mondrick. Galit na galit si Kuya Mon noon. Hindi niya nga lang magawang magalit kay Tita Brenda dahil nanay niya ito. Pero may mali rin naman kasi si Kuya Mon. Hindi niya kasi matanggap ang totoo." Nagkibit siya ng baikat.
Kumunot ang noo ko habang sumusubo ng steak. What does she mean by that?
"Hindi niya matanggap ang totoo? Ano bang totoo?" kuryoso kong tanong.
Napatingin siya bigla sa akin. Siya naman ang kumunot ang noo ngayon.
"Hindi mo pa alam?" tanong niya pa. Kalaunan ay tumango-tango siya. "Well, siguro nga ay hindi mo pa alam dahil hindi naman sasabihin ni Kuya Mon sa'yo ang totoo. Paano naman niya sasabihin kung iba pa rin ang pinaniniwalaan niya hanggang ngayon."
"Naguguluhan ako, Lira." nasabi ko bago ibinaba ang kubyertos. "Gusto kong malaman ang totoo." dagdag ko pa.
Tumango siya bago nagpunas ng bibig.
"Well. You deserve to know, Ate." umpisa niya. "Hindi totoo ang mga kumakalat na balita sa internet. Walang kinalaman si Kuya Mondrick sa pagkamatay ng babaeng natagpuan sa dump site. It was supposedly a set up pero si Kuya Mondrick pa rin ang nadiin roon." seryosong pahayag nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/304305337-288-k348937.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...