Chapter 16

96 3 0
                                    

Tinaasan ko siya ng kilay. Inirapan ko siya at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Tumawa naman siya at kumain na lang rin.

Saktong tapos na kaming kumain nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Wala nga pala siyang sekretarya, kaya naman tumayo na ako para buksan iyon. 

Nagulat si Brent nang makita ako. Ngumiti ako sa kanya at pinapasok siya sa loob.

"Nandito ka lang pala, Ritzely. Kanina pa kita hinahanap sa restaurant." nakangising sabi ni Brent, halatang inaasar na naman ang kanyang kaibigan.

"Tumigil ka, Brent. Kung si Ritzely lang ang pinunta mo rito ay makakaalis ka na. She's not available." matapang namang sabi ni Rizmond. Natawa na lang ako sa inasta niya.

"Calm down, bro. I have news for you." nakangiti nang sabi ni Brent saka naupo sa sofa.

Naupo na rin kami ni Rizmond sa kaharap niyang sofa.

"Good news?" tanong naman ni Rizmond.

"Slight?" pabitin pang sabi ni Brent.

"Spill the tea." naiinip namang sagot ni Rizmond.

"Ritzely, this is about you, actually."

Kumunot ang noo ni Rizmond samantalang nagulat naman ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan roon.

"It's about the case of your parents." dagdag pa niya na lalong nagpakalabog ng puso ko. Hinawakan ni Rizmond ang kamay ko na parang alam niya ang nararamdaman ko.

"Anong balita?" tanong ni Rizmond at seryosong lumingon kay Brent.

"We found an evidence. But it will take a week to obtain. Kilala mo ba si Tammy Diaz, Ritz?" seryoso na ring tanong ni Brent.

Tumingin ako sa kanya habang iniisip kung sino ang tinutukoy nito. Napapiglas naman ako nang maisip kung sino nga iyon.

"Yes! Anak siya ng kapitbahay namin. Actually, nasa abroad ang parents niya kaya siya na lang ang nakatira sa bahay nila. What about her?" curious kong tanong.

"We found pictures a day after the incident, Ritz. We obtain it from the police. A car facing your house. Unfortunately, nang puntahan namin para malaman kung may makukuha ba tayong video from the car's dashcam, the car was not there. At wala ring tao sa bahay. Then, we found out that she went abroad. We tried contacting her pero hindi namin siya makausap. Until we found out that her boyfriend was a common friend. Unfortunately, the car was in someone's authority. And it will take a week after we obtain the copy of the dashcam." pahayag ni Brent.

"Pero, Ritz. I think there is more important thing that you need to know." seryoso pang sabi ni Brent.

Kumunot ang noo ni Rizmond. Nagtataka rin akong tumingin kay Brent.

"What do you mean?" tanong ko.

"You're investigating the case of your parents, right? I mean the police was doing it?" 

Bigla akong kinabahan sa seryosong mukha ni Brent. Marahan akong tumango.

"But the case was closed and the investigation for your parents' death was stopped. Walang nag-iimbestiga sa kaso ng mga magulang mo, Ritz." nag-aalala pang sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Walang nag-iimbestiga sa kaso ng mga magulang ko?

"What?!" gulat na sigaw ni Rizmond. 

"According to my source, it had been closed a long time ago. Accident. Iyon ang naging conclusion sa kaso. And that case was close a week after your house was put into fire, Ritz. Napakatagal na niyon!" dagdag pa ni Brent.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon