Chapter 1

275 6 0
                                    

NANGINGINIG ang buong katawan ko habang nanlalaki ang mga mata sa kagustuhang makakita ng kahit kaunting liwanag sa silid na pinagdalhan sa akin. Nababalot ng dilim ang buong paligid. Wala akong ibang makita kung hindi ang kadilimang bumabalot sa buong silid. Mahigit isang oras na siguro akong nakakulong dito simula nang dalhin ako rito ng mga taong dumukot sa akin.

Isang grupo ng mga armadong lalaki ang dumukot sa akin mula sa pinagta-trabahuhan kong restaurant. Pasado alas singko ng hapon ang oras ng tapos ng trabaho ko. Laking gulat ko na lang nang takpan ng isang matikas na lalaki ang bibig ko gamit ang isang panyo. Nakatakip ang mukha nito kaya hindi ko siya namukhaan. Dinala niya ako sa loob ng isang puting van bago ako nawalan ng malay.

Nakagapos ang aking mga kamay habang may tape ang aking bibig nang ilabas ako ng mga armadong lalaki sa van at ipasok sa isang malaking bahay. Parang isang mansyon iyon dahil sa laki.

Nagpumiglas ako sa kanila nang magkaroon ako ng kaunting lakas pero hindi sapat iyon para makawala sa dalawang lalaking malalaki ang mga pangangatawan. Iniakyat nila ako sa hagdan at tumigil kami sa isang kwarto. Sinusian iyon ng isa sa mga lalaking dumukot sa akin saka ako inihagis sa kama. Dumaing ako sa sakit nang humampas ang likod ko sa head board ng kama.

Umiiyak ako habang tumatawag ng tulong. Alam kong walang makakarinig sa akin rito at imposibleng daluhan ako ng sinoman. Kung may makarinig man sa akin ay baka iyong mga lalaking nagbabantay sa akin sa labas. Kanina ko pa rin sila naririnig na nagku-kwentuhan at nagtatawanan.

Lumipas ang panibagong oras nang makarinig ako ng mga yabag mula sa labas. Nanlaki ang mga mata ko at nanuot ang takot sa buo kong kalamnan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magmamakaawa ba ako sa kanya? Kung gagawin ko iyon, maaawa ba siya sa akin?

Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Mahirap lang ang pamilya ko pero wala naman kaming pinagkakautangan para dakpin ako ng ganito. Wala rin akong maalalang may galit sa akin dahil napakabuti kong tao. Ang tanging ginagawa ko lang sa buhay ay magtrabaho at magsumikap para sa pamilya ko. Kaya anong posibleng dahilan at hinuli nila ako at kinulong dito? Hindi ko alam.

"Magandang gabi, Sir Rizmond." bati ng lalaking may baritonong boses.

"Kumusta siya?" tanong nito.

"Tinali po namin ang kamay at nakatakip po ang bibig kaya hindi po siya makakatakas. Hindi pa rin namin pinapakain, Sir." sagot muli ng lalaki.

"Sige. Makakaalis na kayo. Salamat."

Narinig ko ang mga lumalayong yabag ng sapatos. Marahil ay sinunod nila ang utos ng tinawag nilang Sir Rizmond. Dumagundong ang puso ko sa kaba nang gumalaw ang door knob ng pinto dahil sa pagbubukas niyon mula sa labas. Nadagdagan ang kabang kanina ko pang nararamdaman hanggang sa bumukas ang pinto at inilabas noon ang isang matikas at matangkad na lalaki.

Nagsisigaw ako pero wala namang boses na kumawala sa akin dahil sa tape na nakatakip sa bibig ko. Nagkikiyaw ako sa kama dahilan para tumawa ng malakas ang lalaki. Binuksan niya ang ilaw kaya napapikit ako dahil sa hapding naramdaman ng mga mata ko. Dahil na rin sa matagal na pagkakababad sa dilim.

Nanlaki ang mga mata kong nang marahas niyang sinara ang pinto at lumapit sa kama kung nasaan ako. Nakangisi ang gwapo niyang mukha habang lumalapit sa akin.

Takot, pangamba at awa sa sarili ang nararamdaman ko dahil wala akong magawa. Walang tutulong sa akin. Ang anumang gawin ng lalaking nasa harap ko ngayon ay tanging kami lamang ang makakaalam. Dahil mag-isa lang ako. Walang ibang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito.

Humagulhol ako nang tuluyan siyang makalapit sa kama at naupo sa tagiliran ko. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mukha. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang kanang kamay saka hinaplos ang aking kaliwang pisngi. Nanginig ang kalamnan ko at sinubukang iiwas ang pisngi sa kamay niya pero hinawakan niya na ako ngayon sa mga panga.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon