Chapter 17

106 2 0
                                    

Tahimik si Tita Brenda habang kumakain. Inaya ko siya ng lunch para humingi ng kapatawaran at ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Kaya nga lang, sa ikinikilos niya ngayon ay mukhang alam na niya ang lahat--alam na niyang nakipagsabwatan ako kay Ma'am Eliza para pabagsakin ang kompanya nila at si Rizmond mismo.

Kinakabahan akong simulan ang usapan kaya naman nanahimik na lang muna ako. Bukod roon ay hindi ko rin alam kung paano.

Hinintay kong matapos sa pagkain si Tita Brenda. Wala akong masyadong gana kaya tinapos ko na rin ang pagkain kahit hindi pa man iyon nauubos.

Nagpupunas ako ng bibig nang mapansin ko ang pagtingin niya sa akin. Agad akong kinabahan.

"You didn't like the course?" malamig na tanong ni Tita Brenda.

Tumingin ako sa kanya at halatang ayaw niya akong tingnan dahil agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Marahil ay masama ang loob niya at hindi niya maatim na nasa harapan niya ako ngayon. Napilitan lang siya sigurong harapin ako dahil kay Rizmond. Hindi ko siya masisisi roon.

"I'm sorry, Tita Brenda." nanginginig ang mga labing sabi ko.

Yumuko ako sa harap niya. Tahimik lang siya. Narinig kong umangat ang kanyang wine glass. Nang tumingin ako sa kanya ay nagpupunas na siya ng mga labi habang hindi pa rin ako tinitingnan.

"I just heard from Brent what happened. To be honest, I was disappointed." malamig ang boses niya nang sabihin ang mga katagang iyon.

Tumingin siya sa akin habang nag-aalab ang mga mata. Hindi maipagkakait ang galit niya sa akin ngayon.

"Ayokong masaktan muli ang anak ko, Ritzely. Kaya kung may balak kang saktan siya o pabagsakin siya ay huwag mo nang ituloy." matigas niyang sinabi. "He was hurt when Jasmine left him. And I don't want that to happen again."

Parang kinurot ang puso ko nang marinig iyon.

"Kung iniisip niyo pong iiwan ko si Rizmond kagaya ng ginawa ni Jasmine ay hindi po mangyayari iyon." nahihiya kong sinabi.

"I'm not sure, Ritzely. I'm not sure anymore. Hindi kita lubos na kilala. Paano kung hanggang ngayon ay may balak ka pa ring masama sa anak ko? Nabalitaan ko ang nangyari. Masama ang ginawa sa'yo ng anak ko. Kinulong ka niya sa mansyon. Pinagsamantalahan ka niya. Ginawan ka niya ng hindi mo gusto. Sinaktan ka niya physically. Gusto kong mahiya sa'yo dahil sa mga ginawa niya. Pero ang malamang kaya ka lamang nag-i-stay kay Mon ay para gumanti ay ibang usapan. I thought you fell for him. I thought you both fell for each other and I was grateful to have you. Dahil sa kabila ng ginawa sa'yo ng anak ko ay nahulog ka sa kanya at hanggang ngayon ay hindi mo siya iniiwan." Nangilid ang luha niya sa huling sinabi.

"Masaya ako nang malaman kong may girl friend si Mon. Nagbago siya bigla. Hindi na siya palaging galit at nakita ko ulit siyang ngumiti. And that was all because of you. Simula nang dumating ka sa buhay niya ay muling bumalik ang dating Mon na anak ko. Bumalik ang anak ko na nawala dahil sa nangyari sa kanila ni Jasmine."

Tuluyang pumatak ang luha ni Tita Brenda kaya mas lalong bumigat ang dibdib ko. Nangilid ang luha ko samantalang pinagpatuloy niya ang pagsasalita.

"Kaya nakikiusap ako sa'yo, Ritzely. Kung talagang malaki ang utang na loob mo kay Eliza para tulungan mo siyang pabagsakin si Mon, huwag na. Ako na lang. Ang kompanya na lang--ang Monte. Huwag mo nang saktan ang anak ko. Kung balak mo rin lang siyang iwan, gawin mo na ngayon."

Natahimik ako sa sinabi niya. Nasasaktan ako at parang sasabog ang puso ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko kayang iwan si Rizmond.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon