"Yeah. It's all over the internet. Walang sapat na ebidensya kaya nakatakas si Mondrick. Rizmond believed that Mondrick was the real murderer. Kaya galit na galit siya sa kaibigan niya. Nakita mo naman ang ginawa niya sa atin. He did that because he loves Jasmine so much. Reason why he planned for a revenge against Mondrick. Pero ang hindi niya alam, nagkamali siya ng kinalaban." pahayag ni Ma'am Eliza saka humigop ng kape.
Naikwento ko sa kanya ang mga nalaman ko. Nasabi ko na ring nagiging malapit na sa akin si Rizmond at binigyan niya pa ako ng cellphone kagabi. Tuwang-tuwa nga siya nang ikwento ko iyon dahil gumagana ang mga plano namin.
"Bakit hindi lumabas sa imbestigasyon niya na matagal na kayong hiwalay ni Mondrick? Nakakapagtaka naman kung hindi niya iyon malalaman. Paano kung alam niya pala ang lahat at pinapalabas niya lang na hindi niya alam? Baka patayin niya na ako dahil wala na akong pakinabang sa kanya." kinakabahan kong sabi.
Ngayon ko lang iyon napagtanto. Bigla akong kinabahan sa isiping iyon. Pero kung tama nga ang hinala ko, matagal na sana niya akong pinatay, hindi ba?
"Well, kahit break na kami ni Mondrick noon ay nagkikita pa rin kami bilang magkaibigan. Huwag kang mag-alala roon. Mondrick and I were in a cool relationship back then." kalmado niyang sabi na nagpagaan ng pakiramdam ko.
"Okay. But do you know the story behind the death of Jasmine Fern?" kuryoso kong tanong. Ito ang kanina ko pang gustong malaman mula sa kanya--ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Jasmine Fern.
"Just like what you read on articles over the internet, it's a mystery, Ritz. I may be close to Mondrick even after our break up, but I haven't heard from him that time. Siguro isang buwan na kaming hindi nagkakausap. Nalaman ko na lang na lumipad siya ng ibang bansa dahil may tinatakasan siyang kaso. Then, I found out that he was a suspect to a murder." paliwanag niya.
"Para kasing may mali sa mga nangyayari, Ma'am Eliza. Pinatigil ng mga Fern ang kaso sa pagkamatay ng anak nila. Is that even possible? Sinong magulang ang gagawa noon? Hindi kaya may pinoprotektahan sila? Is it Mondrick?" naguguluhan kong sabi.
"That's possible. Mondrick was the best friend of Rizmond Montemayor. And Rizmond was Jasmine's fiancee." sagot niya.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ako kombensido roon. Tingin ko ay may iba pang dahilan ang pamilya ng mga Fern kung bakit nila hininto ang kaso. Pero ano iyon?
"Oo. Best friend nga siya ni Rizmond. But is it enough reason to stop the case? Maging si Rizmond ay galit kay Mondrick dahil sa nangyaring iyon. If I were her family--."
"Com'on, Ritz. Don't assume anything. Let's just focus on how we will turn down the Montemayors. Wala pa tayo sa kalagitnaan ng mga plano natin. Kapag nalaman ni Rizmond ang totoo, hindi natin mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo. Is that what you want?" parang naiirita nang sabi ni Ma'am Eliza.
Tama siya. Kung iisipin ko ng iisipin ang mga nangyari sa pagkamatay ni Jasmine Fern, baka hindi ko na matutukan ang mga plano namin. I have to focus on my goal.
"Siya nga pala. May reunion party ang mga Montemayor this Saturday. You have to be there. It's an opportunity to know something about their clan. You should ask Rizmond if you can join him." pahayag niya. Tumango ako sa kanya.
"Actually, Tita Brenda invited me. Kaya lang, si Rizmond ang ayaw akong sumama." Napahigop ako ng kape pagkasabi niyon. Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. Is she smiling?
"That's good. If his mom was inviting you to the party, hindi na mahirap makapunta roon. Even if Rizmond disapproves it, wala siyang magagawa kung ang nanay na niya ang nag-imbita sa'yo. At kung hindi ka talaga niya payagan, you can just go to his mom and surprise him at the party." nakangisi niyang sabi. Tumango lang ako. May punto siya.
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...