Chapter 2

180 5 0
                                    

PAGMULAT ko kinaumagahan ay naramdaman ko agad ang kakaibang sakit sa aking pagkababae. Naiyak na lang ako nang maalala ang mga nangyari kagabi.

Wala na siya sa tabi ko. Nang makatulog ako kagabi ay naalala kong nasa tabi ko siya. Ngayon ay wala na.

Bumangon ako at muling naiyak nang makita ang dugo sa bed sheet. Tanda iyon ng nawala kong virginity.

Humagulhol ako hanggang mapagod ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay pagang-paga na iyon dahil sa pag-iyak ko kagabi at ngayon.

Tumayo ako para maligo sa banyo. Wala akong saplot, tanging ang kumot lamang ang nagtatakip sa aking katawan. Dinala ko ang kumot sa banyo.

Pagkapasok doon ay agad kong ni-lock iyon. Bumungad sa akin ang isang toilet bowl at sa kaliwa noon ang shower room. Sa kanang bahagi naman ng banyo ay naroon ang bath tub. Pumunta na kaagad ako sa shower at hinayaan ko ang tubig na dumaloy sa buo kong katawan.

Kung pwede nga lang linisin ng tubig ang duming bumahid sa aking pagkatao. Pero hindi. Hindi nito kayang linisin ang nadumihan ko nang pagkatao. Ang kasamaang ginawa ng lalaking iyon ay mananatili sa akin at hinding-hindi mawawala.

Pinilit kong hindi umiyak pero hindi ko nagawa. Ang sakit. Ang sakit na hanggang dito na lang ako. Hanggang dito na lang ang mga pangarap ko para sa mga magulang ko.

Papatayin niya rin ako. Iyon ang sabi niya. Siguro ay kapag napagsawaan niya na ang katawan ko.

Pero ganoon na lang ba iyon? Ganito ko na lang ba isusuko iyon? Hindi ko na ba iisiping tumakas? Pero paano? Walang paraan. Walang tutulong sa akin dito.

Pumikit ako ng mariin habang pinapaagos ang tubig sa aking katawan. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Tama. Iyon ang dapat kong gawin. Hindi pa huli ang lahat. Hindi ko hahayaang hanggang dito na lang ang buhay ko. Pero paano?

Siya lang ang makakatulong sa akin. Siya ang kumuha sa akin pero siya rin ang makapagpapalaya sa akin. Kailangan kong kuhanin ang tiwala niya. Iyon lang ang paraan.

Kinuha ko ang sabon na nakita at ikinuskos iyon sa aking katawan. Pagkatapos ay nag-shampoo naman ako. Pinatay ko muna ang shower at malalim na nag-isip.

Kailangan kong dahan-dahanin ang lahat. Kailangan kong makuha ang loob niya. Kailangan kong magpanggap.

Una, pakakagatin ko siyang hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya. Sunod ay paniniwalain ko siyang nahuhulog ang loob ko sa kanya. At kapag nakuha ko ang loob niya, unti-unti kong susubukang makalabas sa kwarto na ito. At kalaunan ay sa bahay na ito. Kapag nangyari iyon, makakahingi na ako ng tulong sa labas. Tama. Iyon ang dapat kong gawin.

Nagmadali akong magbanlaw. Nang makatapos ay kinuha ko ang towel na nandoon. Ginamit ko na rin ang nakita kong toothbrush kahit hindi ko alam kung kanino ba iyon.

Lumabas akong nakatapis ang tuwalya sa aking katawan. Tumutulo pa ang basa kong buhok nang mapansin ang pagkaing nakahain sa mesa. Doon lang biglang kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain simula pa kagabi.

Napansin ko rin ang mga damit na nasa kama. Isang t-shirt, isang shorts at isang terno ng underwear. Tinanggal ko ang tuwalya sa aking katawan saka sinuot ang mga damit na nasa kama. Sunod ay kumain na ako.

Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala namang wall clock doon. Mayroong t.v. pero nang maghanap ako ng remote ay hindi ko naman nakita. Wala tuloy akong nagawa kung hindi magmukmok sa loob ng kwartong iyon at mag-isip ng aking plano.

Anong oras kaya siya babalik? O dito kaya siya umuuwi talaga? Baka naman hindi niya ito bahay at hide out niya lang. Wala pang kasiguraduhan kung pupunta siya rito o hindi kung ganoon.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon