Chapter 19

109 2 0
                                    

Sabik na sabik akong malaman ang totoo. Buhay si Jasmine Fern na ang buong akala ko ay patay na. Iyon ang kumakalat sa internet. Iyon rin ang alam kong dahilan kung bakit nabigo sa pag-ibig si Rizmond.

Ang buong akala ko ay ginahasa siya at pinatay ni Mondrick. May kinalaman kaya ito sa mga sinabi ni Lira? It was supposed to be a set up pero nadiin pa rin si Mondrick. Iyon ang sinabi ni Lira at maaaring pinaniniwalaan ni Rizmond hanggang ngayon.

Natagpuan ko na lamang ang sariling sumasakay ng taxi pabalik sa opisina. Hindi ko na naisip na naiwan ko si Rizmond sa restaurant kung saan kami kumain.

Agad akong nagbayad sa driver at nagmamadaling bumaba. Agad kong tinawagan si Lira pero hindi ko ito ma-contact.

Dumiretso na lamang ako sa restaurant para mag-baka sakaling nandoon siya at busy lamang sa mga customer. Pero pagdating ko roon ay kakaunti lamang ang mga customer na kumakain. Agad akong nagtungo sa kitchen.

"Where's Lira?" desperada kong tanong sa isang kitchen staff na nandoon.

"Ahh--Ma'am, may meeting po siya sa Main." sagot nito na tinutukoy ang Monte Constructions.

Dali-dali akong lumabas ng kitchen. Balak ko na sanang pumunta sa kabilang building nang makita ko si Jamilla na kumakaing mag-isa sa isa sa mga table na naroon.

Nagbuntong-hininga ako bago lumapit sa kanya. Naupo ako sa harap niya at kaagad niya namang napansin ang presensiya ko.

"Oh. Look who's here. Hindi ba't busy ka sa wedding preparation mo?" may pang-aasar na sabi nito.

"Jamilla, wala akong panahong makipag-away sa'yo. Gusto kong malaman ang totoo." nasabi ko.

Kumunot ang kanyang noo saka ibinaba ang hawak na kubyertos.

"Totoo?"

"Oo. Nakita ko si Mondrick at Jasmine sa isang department store. Sigurado akong sila ang nakita ko, Jamilla. Naguguluhan ako. Hindi ba't patay na si Jasmine dahil pinatay siya ni Mondrick? Pero bakit magkasama sila?!" naguguluhan ko pang tanong.

Impit siyang tumawa bago nagpunas ng mga labi. Binagsak niya ang table napkin sa gilid ng kanyang plato bago tumitig sa akin.

"Hanggang ngayon pala ay wala ka pang alam? I'll tell you, then." mataray niyang sagot.

Maayos siyang sumandal sa kanyang silya bago humalukipkip.

"Hindi totoo ang mga nababasa mo sa internet, Ritzely. Ang mga nakalagay sa article ay pakana lamang ng mga Sanchez para pagtakpan ang ginawa ni Mondrick." panimula niya.

"Anong ginawa niya?" tanong ko pa.

"Jasmine Fern and Mondrick Sanchez had been together even before Jasmine got engaged with Kuya Mon. In short, she cheated on Kuya Mon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Unfortunately, hindi iyon matanggap ni Kuya. Kaya naman sobra siyang nasaktan sa mga nangyari. Naging sarado ang utak niya at ang pinaniniwalaan niya ay ang pagkamatay ni Jasmine at ang pagpatay ni Mondrick dito. Kahit pa pinagduldulan na sa kanya ni Tita Brenda ang totoo ay hindi pa rin siya naniwala. Sa halip ay nagalit pa siya rito." dagdag pa ni Jamilla.

"Pero mag-best friend sila, hindi ba? Paanong nagawa ni Mondrick ang lahat ng iyon kay Rizmond?"

Naikuyom ko ang kamao pagkasabi niyon. Parang ako ang nasasaktan para kay Rizmond.

"Hmm. Hindi minahal ni Jasmine si Kuya Mon. Kaya lang nagkalapit ang dalawa ay dahil sa mga pamilya nila. Jasmine's family business was going bankrupt. Sinalba ito ng mga Montemayor. Dahil sa utang na loob, sinagot ni Jasmine si Kuya Mon na matagal nang nanliligaw dito. And because of Kuya, kaya nagkakilala si Jasmine and Mondrick. Unfortunately, they betrayed him." seryoso niyang sinabi.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon