"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nang magising akong nagbibihis siya sa harapan ko.
"You don't have to know. Ano bang pakialam mo sa mga lakad ko?" pagtataray niya.
"Gusto ko lang naman malaman kung gaano ako katagal mabuburyo dito!" sagot ko sabay irap sa kanya. Ngumisi siya saka naupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin.
"Bakit? Gusto mong sumama? O gusto mong tumakas? Dream on, Ritzely!" bulyaw niya.
"Hindi ko gustong sumama dahil alam kong hindi mo naman ako isasama! Oo, gusto kong tumakas at makawala! Pero hahayaan mo ba 'yon? 'Di ba hindi? Gusto mo na nga akong patayin hindi ba?!" bulyaw ko rin.
"Nope. I don't want you to die yet. Pagsasawaan pa nga kita, hindi ba?" nakangisi na niyang sabi. Hinawakan niya ako sa hita na parang manyakis. Kung hindi lang siya gwapo at mayaman ay mandidiri na ako sa ginawa niya. Wait. Did I just say that? OMG.
Hindi na ako nakaimik. Naiiling siyang lumabas ng pinto saka sinara iyon. Narinig ko pa ang pagtatawag niya sa mga tauhan niya. Nagbilin rin siyang pakainin ako. Buti naman. Gutom na gutom na ako!
Ilang sandali pa ay pumasok na ang bantay ko sa labas para ibigay ang pagkain ko. Gutom na gutom ako kaya sumugod kaagad ako sa lamesa at nagsimulang kumain. Binuhay ko rin ang t.v. para may mapaglibangan.
Hapon nang hindi na ako mapakali sa higaan ko. Kanina pa kasi ako nanonood at wala na akong magandang mapanood ngayon. Nakatulog na rin ako ng paulit-ulit.
Pinatay ko muna ang t.v. bago paulit-ulit na kinatok ang pinto. Siguro naman ay maririnig ako ng bantay.
"Kuya, baka naman gusto niyo akong palabasin dito kahit saglit lang? Nawawala na ako sa katinuan oh. Sige na. Ayoko nang manood. Ayoko nang matulog. Baka naman gusto niyong gumala lang ako diyan sa labas. Lilibutin ko lang itong mansyon. Sige na. O kaya ay magluluto na lang ako. Bantayan niyo ako. Hindi naman ako makakatakas hindi ba? Sige na, please." pakiusap ko sabay katok muli sa pinto.
"Pasensya na, Miss. Pero hindi pwede ang gusto mo. Kami ang mananagot kay boss kapag nalaman niyang pinalabas ka namin." sagot ng tao sa labas.
Napakamot na lang ako sa ulo pero hindi pa rin ako susuko.
"Sige na, kuya. Anong oras ba bumabalik ang boss niyo? Ibabalik niyo rin naman ako dito bago pa siya makabalik eh. Gusto ko lang talagang makakita ng ibang environment." pagmamakaawa ko pa. Hindi ba talaga sila makokonsensya?
"Hindi talaga pwede, Miss." pagmamatigas ng bantay ko.
"Sige na, kuya. Maglilibot lang ako tapos magluluto. Pagkatapos noon, ibalik niyo na ako rito. Promise, hindi ako tatakas." pagmamakaawa ko muli.
Narinig kong nagbulungan ang mga tao sa labas. Napangiti tuloy ako dahil may chance na palabasin nila ako. Wala naman talaga akong balak tumakas. I have a plan. Hindi ko magagawa ang planong iyon kung tatakas ako. Gusto ko lang talagang makalabas sa kwartong ito.
Isa pa, kung magluluto ako at magustuhan ni Rizmond, aba eh dagdag ganda points ko 'yon. Kailangan ko palang sarapan ang luto ko para magustuhan niya. Ika nga nila 'The way to a man's heart is through his stomach'.
"Miss." narinig kong tawag ng lalaking kausap ko kanina. "Papayagan ka naming lumabas pero siguraduhin mong babalik ka sa kwarto bago pa dumating si Sir Rizmond. Mapapagalitan niya kami kapag nalaman niya ito." nag-aalala pang sabi ni kuya.
"Yes! Yes! Don't worry!" excited ko nang sinabi. Halos mapatalon pa ako sa harap ng pinto.
Binuksan niya nga ang pinto ng kwarto ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero nginitian ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/304305337-288-k348937.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...