"Kumusta siya, Doc?" narinig kong tanong ng isang babae.
"She's fine. Kailangan lang niyang magpahinga. Hindi malalim ang sugat niya sa leeg. The reason why she fainted was her pregnancy." narinig ko namang sinabi ng isang babaeng may edad na.
"I see. Ilang buwan na?" tanong pa nito.
"Two weeks. Mauna na muna ako. I have to do my rounds."
Narinig ko ang papalayong mga yabag. Samantalang may lumapit sa kamang hinihigaan ko at naramdaman kong naupo siya sa gilid ko.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ng dahan-dahan hanggang sa nagawa ko naman. Blurred ang paningin ko pero kalaunan ay naging malinaw iyon.
Agad tumayo ang babae sa tabi ko, si Jamilla pala iyon. Napagtanto ko ring nasa ospital ako.
Lumabas si Jamilla para tumawag ng nurse. Bumalik naman kaagad siya. Nag-aalala siyang tumingin sa akin.
"How are you?" tanong niya.
"I'm fine." sagot ko.
Pinilit kong bumangon. Inalalayan niya naman ako na makasandal sa headboard ng kama.
"Anong nangyari?" naitanong ko.
Kalaunan ay bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari bago ako hinimatay.
Dumating ang nurse kaya hindi nasagot ni Jamilla ang tanong ko. Nagpaalam muna itong lalabas nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang telepono.
Inasikaso ako ng nurse at kalaunan ay umalis na rin.
Ano kayang nangyari? Ang huli kong naaalala ay ang pag-amin sa akin ni Ma'am Eliza. Naikuyom ko ang kamao.
Siya ang pumatay sa mga magulang ko! Nagawa niya iyon pagkatapos siyang kidnapin ni Rizmond.
Nagkamali ako. Hindi siya kay Rizmond naghihiganti, kun'di sa akin--katulad ng ginawa niya kay Jasmine dahil nagkagusto si Rizmond sa kanya. Sinira niya ang buhay namin dahil lamang sa isang lalaki na hindi siya kailanman napansin at nagustuhan. Nababaliw na siya!
Nang dumating si Jamilla ay kaagad ko siyang tinanong.
"Nasaan si Eliza?" seryoso kong tanong.
"Don't worry. Nakakulong na siya ngayon. Nakuha na ang dashcam ng kotse ng kapitbahay niyo. It turned out na si Eliza Francia ang may pakana ng lahat. May kasama siyang dalawang tauhan nang gawin ang insidente. Nahuli na rin ang mga iyon. Huwag mo nang intindihin iyon at magpahinga ka na." saad niya.
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.
"Si Rizmond?" tanong ko pa nang maalalang hindi ako nakapagpaalam sa kanya nang umalis sa Mall.
"May inaayos lang. Pupunta na iyon rito." maikli niyang sagot saka naupo sa gilid ko. "Huwag ka nang mag-alala, baka makasama sa bata."
"Bata?" nagtataka kong tanong.
"Yeah. You're two weeks pregnant, as confirmed by the doctor." seryoso niyang sagot.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Buntis ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Sa sobrang dami ng nangyari at nalaman ko ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang magsaya ngayon.
Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Ma'am Eliza. Jasmine's back and she will help her ruin everything.
Muli akong kinabahan. Napalingon ako kay Jamilla na busy sa kanyang telepono.
"S-si Jasmine--." nasambit ko.
Napalingon siya sa akin at binaba ang kanyang hawak na telepono.
"Hmm. Don't worry. Kaya sila nandito ni Mondrick ay para tumulong. Tumawag si Eliza sa kanila para sirain ang kasal niyo ni Kuya Mon. Nagpanggap silang tutulungan si Eliza pero ang totoo ay isusuplong nila ito." sagot ni Jamilla.

BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...