Nagsusuklay ako ng buhok habang nakatingin sa salamin. I smiled at my reflection. Hindi ko alam kung bakit ako masaya. Dahil ba sa wakas ay nakikita kong may pinatutunguhan ang mga plano namin ni Ma'am Eliza o dahil sa personal kong dahilan?
Tinotoo nga ni Rizmond ang balak niya kagabi. Ginising niya pa nga ako ng maaga para makapagluto ako at makapag-almusal na kaagad kami. At ngayon nga ay nag-aayos na lang ako para umalis na kami.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko siya natanong kanina habang nag-aalmusal. Naunahan kasi ako ng excitement.
Bakit nga ba ako na-excite bigla? Hindi ko rin alam. Kalalabas nga lang namin ni Brent kahapon eh. Kaya imposibleng dahil iyon sa paglabas ko ng bahay. O baka naman dahil siya ang kasama ko?
Pinilig ko ang aking ulo sa mga naiisip. It's obvious. Excited ako dahil sa wakas ay ilalabas na ako ni Rizmond. Siya na mismo ang nag-aya sa aking lumabas kami. At anong ibig sabihin noon? Nahuhulog na siya sa akin. Nagugustuhan na niya ako. Kaya naman, hindi imposibleng hindi matupad ang mga plano ko. Excited siguro akong ibalita ang lahat ng ito kay Ma'am Eliza!
Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Dumiretso na kaagad ako sa hagdan para bumaba sa sala. Nakita ko namang tumayo kaagad si Rizmond nang marinig niya siguro ang mga hakbang ko.
"Tara?" matamis ang ngiting aya ko.
Iniwasan niya ako ng tingin saka naglakad patungo sa pinto. Napasimangot tuloy ako sa naging reaksyon niya.
Bubuksan na sana ni Rizmond ang main door ng mansyon nang bigla namang bumukas iyon. Napaatras tuloy siya at ang nakangising si Brent ang iniluwa noon.
"What are you doing here, assh*le?!" naiiritang tanong ni Rizmond sa kaibigan.
Natawa naman si Brent at napatingin sa akin. Napalitan ng pagkagulat ang kanyang ngisi.
"Aalis kayo?" gulat niya pa ring tanong.
"Yes. May date kami. Kaya umuwi ka na." sabi ni Rizmond.
Halos masamid ako sa sariling laway sa sinabi niya. May date kami? He's considering this as a date?
Hinila niya si Brent palabas ng mansyon. Nagwawala naman si Brent habang tinitingnan ako sa likod nila. Napapailing na lang ako sa inaakto ng dalawa.
"GUSTO mo bang kasama natin si Brent?" malamig na tanong ni Rizmond habang nasa biyahe kami. Saglit siyang tumingin sa akin bago muling bumaling sa daan.
"Hindi naman. Bakit?" tipid kong sagot.
"Tss." pawang naiinis niyang sambit. "Gusto mo nga siguro siyang kasama." naiinis pa rin niyang sabi.
Napangiti ako bigla sa naisip. Nagseselos ba siya? Kagabi pa siyang gan'yan eh.
"Why are you smiling? Do you want us to go back and bring him too? O baka naman gusto mong siya na lang ang kasama at hindi ako?" kunot ang noo niyang sabi. Lalo lang tuloy akong natawa sa reaksyon niya.
"Are you jealous?" pang-aasar ko.
Tumawa siya ng malakas pero alam kong peke iyon.
"Why would I? Com'on, Ritzely." naiiling pa niyang sabi.
"Exactly. Bakit ka nagseselos?" asar ko pa.
Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang nakangiti. Napanguso na lang siya saka naiiling na bumaling sa daan.
Nagulat na lang ako nang maramdaman ang mainit niyang kamay sa hita ko. Halos mapatalon ako sa gulat pero hinayaan ko na lang siya. Naka-dress pa naman ako kaya ramdam ng balat ko ang mainit niyang palad.
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...