Chapter 10

122 2 0
                                    

"Ritzely, hija!"

Malapad na ngiti ang isinalubong sa akin ng mama ni Rizmond. Ngumiti rin ako sa kanya at sinalubong siya mula sa pinto ng kusina.

Katatapos ko lang magligpit ng mga pinagkainan namin ni Rizmond. Nakaalis na rin siya kani-kanina lang para sa trabaho. Naiwan na akong mag-isa sa bahay at ngayon nga ay dumating ang mama niya. I wonder kung kasama si Brent?

"Hello po, Tita." masaya kong bati sa kanya at nakipagbeso rito.

"It's glad to see you again! Nakasalubong namin ang sasakyan ni Mon. I bet pumasok na siya sa opisina." sabi niya pa.

"Yes, Tita. Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo." paanyaya ko. Akmang tatalikod na ako pero pinigilan niya ako.

"No. No, hija. I'm full. I just want to invite you, kaya ako nagpunta rito." sabi niya. "Sa sala tayo."

Pumunta nga kami sa sala para doon mag-usap. Wala siyang ibang kasama. Mukhang may gusto nga lang siyang sabihin sa akin. Halata rin ang pagmamadali sa kilos niya.

"Gusto ko pa sanang makipag-bonding sa'yo pero may mga meetings pa akong pupuntahan. I know you're alone here. Bakit kasi hindi ka isama ni Rizmond sa office." pawang naiinis pang sabi nito. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Okay lang naman po ako rito. Okay na po sa aking naipagluluto si Rizmond bago siya umalis at pagdating niya." sabi ko naman.

"Hmm. I think he's looking for a secretary. Dapat ikaw na lang ang kuhanin niya." pahayag nito.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Anyways, the reason I was here is because I want to invite you in our reunion party. All Montemayor clan will be there. And I want you to accompany Rizmond. Para naman maipakilala ka na rin niya sa pamilya namin." nakangiti niyang sabi. Halata pang nae-excite ito.

Bigla naman akong kinabahan sa invitation na iyon. Buong Montemayor clan ang nandoon! Nakakahiya!

Marami na akong napuntahang party na binubuo ng mayayamang pamilya pero bakit parang kinakabahan ako ngayon! Kapag kasi may dinadaluhang party si Ma'am Eliza ay isinasama niya ako. Natuto rin akong makihalubilo kahit sa mayayaman kaya hindi naman problema kung pupunta nga ako sa reunion party na sinasabi ng mama ni Rizmond. Pero may kakaiba akong nararamdaman sa reunion party na ito.

Natatakot yata ako. Paano kung malaman nila ang mga plano ko? Paano kung pagkaisahan ako ng pamilya niya? Paniguradong kapag nalaman nilang hindi nila ako ka-level ay huhusgahan nila ako.

Kaya lang, parte ito ng plano ko. Kailangan ko ring mapalapit sa pamilya nila. Sa ganoong paraan ay mas madaling mapabagsak sila.

"Sure, Tita. Kailan po ba iyon?" matapang kong sagot.

"That's great! This coming Saturday. I'll be expecting you there then." nakangiting niyang sabi sabay tayo.

"Anyways, I really have to go, Ritzely." paalam niya.

"Sige po, Tita."

Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis.

"WHAT are you thinking, Ritz?!" galit na sabi ni Rizmond nang ibalita ko sa kanya ang nangyari kanina.

"Why? Pupunta lang naman ako sa reunion niyo. Ayaw mo ba akong makilala ng pamilya mo? Bakit? Dahil hostage mo lang ako?!" sunod-sunod kong sinabi.

"That's not my point, Ritz. Gusto nga kitang isama. But this is not the right time--."

"At bakit? Kailan ba ang right time? Kapag pinatay mo na ako?"

"Ritzely! Hindi ko iyon gagawin sa'yo!" bulyaw niya.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon