Chapter 8

138 3 0
                                    

"Walang nakuha ang mga pulis na fingerprints mula sa mga galon na nakita nila. Pero isa lang ang posibleng mapagkuhanan ng mga galon na iyon. May isang malaking store sa Talomo. Sila lang ang nagpo-produce ng ganoong mga galon kaya sigurado ang mga pulis na doon sila bumili. Inaalam na nila ngayon ang mga posibleng suspect sa pagkamatay ng mga magulang mo." kwento ni Ma'am Eliza.

"Your parents died and the investigation was still on going?" gulat na tanong ni Brent.

"Bakit hindi ka magpatulong kay Mon? He has a lot of power to do that. Baka wala pang isang araw ay solve na ang kasong iyan." dugtong pa niya.

"No!" matigas na sabi ni Ma'am Eliza.

Hindi maaaring mangyari iyon. Dahil kung siya nga ang hahawak ng kaso ng mga magulang ko, paniguradong maisasara iyon nang walang nakukuhang suspect. Baka maging aksidente pa ang kalabasan ng imbestigasyon. Hindi ko hahayaan iyon.

"I don't want Rizmond to meddle with my personal life, Brent. Ayokong malaman niya ang mga pinagdadaanan ko ngayon. Bago pa lang kami. At ano na lang ang iisipin ng pamilya niya kapag nagpatulong ako? Maaaring isipin nila na kaya ko lang ginawang boyfriend si Rizmond ay para sa mga magulang ko." palusot ko. Sana naman ay gumana iyon.

"Kaya sana huwag mo na ring banggitin muna kay Rizmond, Brent." dugtong pa ni Ma'am Eliza. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Alright. I'll keep it a secret then." sagot ni Brent na nagpagaan ng loob ko. Sana nga lang ay hindi siya ganoong ka-loyal na kaibigan.

Napag-alaman kong matalik na magkaibigan pala si Ma'am Eliza at Brent noong high school sila. Minsan lang sila magkita sa mga gatherings at hindi na sila masyadong lumalabas. Kaya naman pagkatapos naming mapag-usapan ang maikling update para sa kaso ng mga magulang ko ay naging mahaba ang pagku-kwentuhan nila.

"OMG! Brent! I have to go. I have a meeting with a client." nakatingin sa relong sabi ni Ma'am Eliza.

"Ritz, the restaurant is doing good. Sunod-sunod ang mga reservation." masaya niyang balita sa akin.

"Buti naman, Ma'am. Magaling po kasi kayo mag-manage kaya gan'on." papuri ko sa kanya.

"Na'ko, hindi naman. Anyways, I really have to go."

Tumayo na siya mula sa kinauupuan at tuluyan nang nagpaalam. Naiwan kami ni Brent sa restaurant. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"So, what's next? Gusto mo mag-shopping?" paanyaya niya.

"Ah-eh."

Hindi ko malaman ang isasagot sa kanya. Bukod sa wala akong pera, hindi naman ako mahilig doon. Nakakahiya kung umikot lang kami sa buong mall at wala akong mabili.

Una, hindi ako magaling mamili ng magandang damit o gamit. At pangalawa, hindi ko maiiwasang tumingin sa price tag ng mga bibilhin ko. Knowing a mall, sobrang mahal ng mga paninda rito!

"Rizmond told me to buy you some clothes and accessories. I don't want to fail my best friend, you know." nakangisi niyang sabi.

"Ganoon ba?" halos mapakamot ako sa ulo.

"Yup. Let's go!"

Ngumiti siya sa akin saka hinablot ang kamay ko. Lumabas kami ng restaurant habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko naiwasang hindi mapatingin doon. Naiilang ako pero hinayaan ko na lang.

Nakarating kami sa isang store. Sa tingin pa lang sa mga damit na naka-hanger ay paniguradong mamahalin na. Parang kumikinang ang mga iyon sa paningin ko.

Binitawan ni Brent ang kamay ko saka lumapit sa mga damit. Isa-isa siyang namili roon. Nakasunod naman sa kanya ang isang sales lady at doon niya inaabot ang mga napiling damit. Lumipat siya ng pwesto kaya sumunod na ako sa kanya.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon