Chapter 13

96 0 0
                                    

"Eliza Francia, the fake girlfriend of Mondrick and the best friend of a cheater. I know you don't have feelings for Mondrick and you don't have plans on getting revenge against Jasmine. You even helped her, right?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Ma'am Eliza. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa nang mabaling ang paningin ko sa papasok ng restroom.

"Ritz, what's taking you so long?" kunot na ang noong tanong ni Rizmond.

Napatingin siya sa dalawang nasa harap ko. I cleared my throat before I grab his hand.

"Tara na." aya ko sa kanya bago pa man siya makahalata sa nangyayari.

Hindi ko alam ang pinagtatalunan ng dalawa. Mukhang malalim ang pinanggagalingan nila. Sa kabila ng mga nangyari ay isa lang ang naiisip ko--ang alamin kung ano ang sikreto nila. Lalo na ni Ma'am Eliza!

HATING-GABI na nang matapos ang party. Masaya naman ang gabi ko. Iyon nga lang ay ginugulo ako ng mga pangyayari kanina sa restroom. Nangangati  akong malaman ang totoo.

Kung totoo nga ang sinabi ni Jamilla na tinulungan ni Ma'am Eliza si Jasmine Fern, sa paanong paraan? At kung tinulungan niya nga ito, bakit patay na siya ngayon? Ibig ba noong sabihin, nag-fail si Ma'am Eliza sa mga plano niya?

At ano kaya ang ibig sabihin ni Jamilla sa sinabi niyang best friend of a cheater si Ma'am Eliza? Si Mondrick kaya iyon? Hindi kaya may gusto si Mondrick kay Jasmine Fern kaya niya nagawang patayin si Fern. Pero iyon nga yata ang dahilan kaya niya hinalay si Jasmine Fern. Pero ang sabi ni Jamilla, si Fern ang tinulungan ni Ma'am Eliza at hindi si Mondrick! Naguguluhan na ako!

Hindi ko na nakita si Ma'am Eliza at Jamilla mula nang matapos ang mga eksena sa restroom. Hindi ko alam kung patuloy ba silang nag-away o umuwi na lang pareho ang dalawa. Napansin ko pa ngang hinahanap ni Lira si Jamilla pero hindi na lang ako umimik. Mukhang wala rin namang planong sabihin ni Rizmond na nakita niya ang mga ito. Hindi siya ang tipong nakikialam sa mga tao, setting aside Jasmine Fern.

Nakarating kami sa mansyon. Nag-shower lang si Rizmond at pagbalik ko mula sa banyo ay natutulog na ito. Marahil ay napagod sa party.

Tumabi na rin ako sa kanya. Nang maramdaman ang pagyanig ng kama ay agad siyang yumakap sa akin. Hinayaan ko na lang siya kahit mabigat ang braso niyang nakapulupot sa tiyan ko.

Naisip ko na naman ang mga nangyari kanina. She's into revenge? Iyon ang pinagtatalunan nila kanina. Pero hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit maghihiganti si Ma'am Eliza kay Rizmond.

Kung iisipin, ex ni Ma'am Eliza si Mondrick. Si Jasmine Fern naman ay ex ni Rizmond. Bakit naman maghihiganti si Ma'am Eliza sa kanya? Si Rizmond pa nga dapat ang maghiganti dahil ang suspek sa pagkamatay ni Jasmine Fern ay si Mondrick!

Napapikit na lang ako dahil hindi ko talaga malaman kung ano ang totoo. Napatingin ako sa cellphone kong nasa gilid ko. Kukunin ko na sana iyon nang biglang humigpit ang yakap sa akin ni Rizmond. Napatingin ako sa kanya at napansin ang nakakunot niyang kilay. Pinagpapawisan rin siya bigla. Nananaginip siya?

"Bakit? Bakit niyo ititigil ang kaso? Hindi pwede."

"Hindi niyo pwedeng i-close ang kaso."

"Hindi siya 'yon. Nagkakamali kayo."

Narinig kong sabi niya. Nakakunot pa rin ang kanyang kilay at halatang nagagalit ito. Nanggigigil rin ang bawat salita niya.

Bahagya ko siyang inalog sa braso pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita.

"Rizmond." gising ko sa kanya.

Mas humigpit pa ang kapit niya kaya naman gumamit na ako ng pwersa para gisingin siya.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon