Chapter 14

105 0 0
                                    

"So, when are you planning to tell me?" galit na tanong ni Rizmond habang patungo kami sa opisina niya.

"Ngayon. Kaya nga ako nagpunta rito." sagot ko naman.

Halatang hindi siya natuwa sa sagot ko kaya agad niya akong nilingon at tumigil sa paglalakad. Napahinto rin tuloy ako at pinagmasdan siya habang nakapamaywang sa akin.

"Sorry na. Isu-surprise nga kita eh." sabi ko pa at sumimangot para magpa-cute.

"Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo, Ritzely." galit niya pang sabi saka mabilis naglakad papasok sa isang silid. Sumunod na lang ako sa kanya.

Agad akong pumasok nang makarating sa pinasukan niyang room. It was a huge office with simple but elegant design. Black and white ang tema, fit for a young man boss.

"Wow. Ang laki naman ng office mo." namamangha ko pang sabi. Mas malaki kasi iyon sa office ng Mama niya.

Masama niya akong tiningnan bago naupo sa kanyang swivel chair.

"As I've said earlier, you will be my secretary." pahayag niya habang magkadaop ang mga palad sa ibabaw ng lamesa.

"Pero Rizmond, ang offer ni Tita Brenda ang tinatanggap ko. And that is to be a Restaurant Manager. Kaya nga sa kanya ako dumiretso kanina." sagot ko naman.

"Uh-huh! At kaya hindi ka nagsabi sa akin dahil si Mama naman ang nag-hire sa'yo, ganoon ba?" nakataas pa ang kilay niyang sabi. "You don't want my opinion, huh?!"

Umupo ako sa silyang nasa harap niya saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"No, of course not. Sasabihin ko naman--."

"Sasabihin mo sa akin the moment you were hired by Mama. Right?" tanong niya pa.

"No. I'm going to tell you anyway. Rizmond naman. At mas gusto kong maging Restaurant Manager kaysa maging secretary mo 'no!" nakasimangot kong sabi saka humalukipkip.

Muling tumaas ang kilay niya saka tumayo sa kanyang silya. Napatingin naman ako sa galit niya nang mukha.

"At bakit naman? You wanna see Brent in the kitchen? Kasi palagi siyang gutom at nakiki-tsismis ng pagkain sa Monte Royale?" seryoso niyang sinabi.

Halos matawa naman ako sa sinabi niya pero pinigilan ko. Ayaw ko namang mas mabulyawan ng selosong 'to.

"How would I know that? Ang alam ko lang ay gustong kong ma-apply ang course ko sa trabaho. And to be a Restaurant Manager was my dream! Ayaw mo bang matupad ko iyon?" halos magmakaawa na ako.

"I get that. But you never asked permission from me. You've decided on your own."

"I will. Kaya nga ako nandito." giit ko pa.

"That's bullsh*t, Ritzely! Dumiretso ka kay Mama!" sigaw niya pa bago tumalikod at napahawak sa buhok.

"Paulit-ulit na tayo, Rizmond. I'm going to tell you naman eh."

Bumibigat na ang dibdib ko sa pagtatalo namin. Hindi ko naman talaga intensyong hindi sabihin sa kanya. Gusto ko lang talaga siyang i-surprise sana. At si Tita Brenda lang ang paraan para makapasok ako rito. Nakakahiya namang hindi siya ang una kong puntahan.

"Fine. But you'll be my secretary not--."

"Rizmond naman." nagmamakaawa na ang boses ko habang sinasabi iyon. "I don't want us to fight."

Totoo namang pangarap kong maging Restaurant Manager. Sa lahat siguro ng mga sinabi at pinakita ko kay Rizmond ay iyon ang pinaka totoo.

Kung mabibigyan ako ng chance para sa pangarap kong iyon kahit saglit lang ay bakit hindi? Achieving my dreams while doing my goal for my parents can be done simultaneously through this.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon