Chapter 6

142 1 2
                                    

Tulala ako pagkagising kinaumagahan. Naaalala ko ang mga epic na nangyari kagabi. Napapikit na lang ako ng mariin sabay pilig ng ulo para makalimutan ko ang mga iyon.

Nakakainis ang lalaking iyon! Sana ay nagpasalamat na lang siya at pinagluto ko siya. Kinabahan pa naman ako nang mahuli niya akong nasa labas ng kwartong ito. Tapos, iinsultuhin niya lang ang pagluluto ko? Sayang naman ang effort ko!

Napatingin ako sa seradura ng pintuan. Bigla akong nalungkot. Habang buhay na ba akong nakakulong rito? Hanggang dito na lang ba talaga ang buhay ko?

Kapag hindi ko nagawang mahulog siya sa akin, ano pang silbi ng buhay ko? Paano ang hustisya para sa mga magulang ko? Iyon na lamang ang tanging dahilan kung bakit araw-araw akong bumabangon. Kahit pa malungkot ang maging mag-isa. Lalo pa't nakakulong ako sa kwartong ito.

Hindi ako dapat sumuko. Kailangan kong lumaban. Kahit ano pang gawin ng Montemayor na iyon sa akin ay wala na akong pakealam. Ang mahalaga na lamang sa akin ngayon ay ang maipaghiganti ko ang mga magulang ko. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila. Hindi makatarungan ang ginawa niyang iyon sa kanila. Gagawin ko ang lahat kahit saan pa ako umabot.

Bumangon ako para maligo at mag-ayos. May mga ilang damit siyang binili sa akin kaya may naisusuot pa ako. Buti nga at naisipan niya iyon. Dahil kung hindi ay baka maglakad na akong hubo't hubad dito sa kwarto.

Nag-iisip pa ako ng pwedeng gawing alibi sa paglabas ko ulit ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon agad ako roon at nakita ang kunot-noong si Rizmond. Nandito pa siya?

"Gising ka na pala, bakit hindi ka pa lumalabas?" kunot-noo pa ring sabi niya.

"Ha? Pwede na akong lumabas?" may halong excitement ang tanong ko.

Iyon nga ba ang ibig niyang sabihin roon? Kung iisipin, hindi niya nga ni-lock ang kwarto ko sa labas. Dire-diretso siyang pumasok dito sa kwarto kanina kaya confirmed iyon. Pero bakit? Naawa ba siya sa akin at pinapayagan niya na akong makalabas ng kwartong ito?

"I just thought-- hindi naman masamang makalabas ka ng kwarto. Nakakulong ka pa rin naman dito sa mansyon. At huwag na huwag mong iisiping tumakas dahil bantay-sarado ka pa rin ng mga tauhan ko. Wala na sila rito sa loob pero nasa labas lang sila. At mas marami sila ngayon." nakapamaywang niya nang sabi.

Ngumuso ako sa narinig. Fine! Atleast hindi na ako mabuburyo sa loob ng kwartong ito.

"Fine. Magpapasalamat na ba ako niyan?" pang-aasar ko naman.

Ngumisi ako na nagpabago ng timpla ng mukha niya. Naasar nga yata siya sa sinabi ko.

"You don't have to thank me. You'll die in my hands anyway." mataray niyang sabi saka tumalikod na sa akin.

"Siya nga pala."

Muli siyang lumingon na pinagtaka ko.

"I just thought, hindi na masamang ipagluto mo ako tuwing umaga at gabi. Para makatipid rin ako sa binabayad sa cook. From now on, cook for me."

Iyon lamang at dire-diretso na siyang lumabas. Napakamot na lang ako sa ulo. Kagabi lang ay inaasar niya ako sa pagluluto. Tapos ngayon, gusto niyang ako na ang magluluto para sa kanya. May saltik din pala ang isang 'to eh.

Naiiling akong lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa dining area. Wala nang tao roon pero may nakahain pa na mga pagkain. Umalis na siguro siya. Nauna na pala siyang kumain. Akala ko pa naman ay sabay kami.

Naupo na ako at sinimulang kumain. Nag-isip na lang ako ng pwedeng lutuin mamayang gabi para sa kanya. Kung may pagkain lang na nakakapagpaakit, iyon na siguro ang niluto ko.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon