"Rizmond, kinakabahan ako." nag-aalala kong sabi habang nakahawak sa braso niya.
"Don't be. Mababait ang family ko." nakangiti naman niyang sagot. Hinawakan niya pa ang kamay ko at tinapik iyon para maibsan ang nararamdaman kong kaba.
Montemayor's reunion party is opulent. Yeah, I was expecting a grand party from the Montemayor's but these exceeded my assumptions.
The mansion was surrounded with enormous decors as if diamonds were sprinkled on it. Ang mga lamesa at upuan ay pawang sumisigaw rin ng karangyaan. Hindi magkamayaw ang mga tao sa dami at hindi rin biro ang mga suot nila. Hindi maikakailang mayayaman ang lahat ng nasa loob ng mansyong ito.
Rizmond bought me a dirty white dress making me fit to the occasion. I also wore pearl necklace and earrings to match my outfit. Sa suot kong white stilettos at nakataas kong buhok, tingin ko ay bumagay naman ako sa okasyon. I'm used to it anyway. Hindi ko lang talaga inaasahang may ieengrande pa ang imahinasyon ko.
Nagsimula akong ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko. Marahan kaming naglalakad ni Rizmond patungo marahil sa mga magulang niya. May ilang bumabati sa amin samantalang may iba namang nagugulat. Nagtataka siguro sila kung sino ang kasama ni Rizmond. Sino nga ba ako? Hindi naman kilala ang angkan namin sa karamihan, lalo na sa grupo ng mayayaman na kagaya nila.
"Oh, hi Engr. Mon. It's nice to see you."
Malapad ang ngiting iginawad ng magandang binibini kay Rizmond. Kulang na lang ay taasan ko ng kilay ang babae sa pagkairita ko.
"Hi. Have fun, Engr. Mendoza." nakangiti ring bati ni Rizmond.
"Thank you. I heard Monte was doing a project in Manila. Is there an engineer assigned? I can volunteer for the project, Engr." nagpapa-cute pang sabi nito.
"I haven't read the plan yet. But yeah, I somehow heard the project you're trying to tell me. That will be our first project in Manila and a big preparation will be taken into place. We have to be careful on choosing our engineers actually. But yeah, sure, I'll try to consider." nakangiti pa ring sabi ni Rizmond. Mas lumapad ang ngiti ng kaharap niya at pawang na-excite pa ito.
Tumikhim ako dahilan para mapatingin naman sa akin si Rizmond. Ngumiti siya sa akin na pawang naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Anyways, enjoy the party."
Iyon lamang at umalis na kami ni Rizmond sa harap ng babae. Paglingon kong muli sa inalisan namin ay nagku-kwentuhan na sila ng mga kasama niya. Halatang excited ang itsura ng babaeng tinawag na Engr. Mendoza.
"I-aassign mo siya sa project?" curious kong tanong.
"It depends." maikli niyang sagot.
"What do you mean?" tanong ko pa.
"Hindi ako ang nagde-decide noon, Ritz. And besides, I don't like her performance. But we'll see." seryoso niyang sinabi.
"Anong performance ang sinasabi mo diyan?" mataray ko pang sinabi.
"On her projects, of course. Ano bang iniisip mo, Ritzely?" natatawa naman niyang sabi.
Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip ay inirapan ko siya. Tinawanan niya na lang ako hanggang sa makarating kami sa mesa ng parents niya. Nandoon rin si Brent at dalawang babae na hindi ko kilala.
"Hijo!" masayang bati ni Tita Brenda. Lumapit siya sa amin at nakipagbeso.
"Hija, I'm glad you're here." masaya niyang baling sa akin.
"Thank you for inviting me po." nahihiya ko pang sinabi.
Pinakilala ako sa kasama nila sa mesa. Kapatid pala ni Brent ang dalawang babaeng kasama nila.
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...