"Ritz, delikado 'yang iniisip mo. Paano kung patayin ka niya? Hindi mo alam ang nasa isip ng lalaking 'yon! I used to know him. Best friend siya ni Mondrick. Pero I think he's into drugs or something. Delikado, Ritz!" nag-aalalang sabi ni Ma'am Eliza.
"Para ito sa mga magulang ko, Ma'am. Kung may mangyari mang masama sa akin, okay lang. Ang pamilya ko na lang ang nagpapabangon sa akin. Pero anong gagawin ko ngayong wala na sila? 'Yong hustisya na lang ng pagkamatay nila ang magiging sukli ko para sa mga paghihirap nila sa akin noon. Gagawin ko ito para sa mga magulang ko. Sana suportahan mo ako." naiiyak kong sabi. Tumango siya sa akin kasabay ng pagpatak ng mga luha. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'll support you. Ako na ang bahala sa kaso ng mga magulang mo. Babalitaan kita sa progress ng imbestigasyon habang nasa bahay ka ni Rizmond."
"Thank you, Ma'am."
"TINGIN mo Ma'am, kukunin ako ni Rizmond?"
Napatingin sa akin si Ma'am Eliza habang nagsasalin ng tubig sa baso. Close na ang restaurant para sa araw na ito. Napag-usapan naming baka ngayong araw ako kukunin ni Rizmond. Nabalitaan kasi naming lumipad ang pamilya niya para sa isang bakasyon kaya naisip naming kasama siya roon. Ngayon ang balik ng pamilya niya sa Pilipinas kaya expected na namin ang mangyayari.
"Mahal na mahal niya si Jasmine, Ritz. Kaya gagawin niya ang lahat para maipaghiganti ang mahal niya." sagot nito. "Pero sigurado ka na ba diyan, Ritz? Pagmamalupitan ka niya, sigurado." nag-aalala niyang sabi.
"Kung siya, kaya niyang maghiganti para sa girlfriend niya. Kaya ko ring maghiganti para sa mga magulang ko." nanggagalaiti kong sabi.
"Ikaw ang bahala, Ritz. Ipagdadasal kita. Mag-iingat ka kay Rizmond. Basta, ako na ang bahala sa kaso ng mga magulang mo." sabi pa ni Ma'am Eliza. Tumango ako bago sumugod sa kanya para yumakap. Sana maging successful ang mga plano ko.
MADILIM ang paligid. Masakit ang ulo ko. Sinubukan kong bumangon sa malambot na kama kung nasaan ako. Pamilyar ang pangyayaring ito sa akin. Iyon nga lang, hindi na ako nakagapos. Hindi nakatakip ang aking bibig. Malaya akong makakasigaw pero hindi ko iyon ginawa. Alam kong walang kwenta iyon. At ito talaga ang plano ko. Ito ang plano namin ni Ma'am Eliza. At ang planong iyon ay unti-unti ko nang isasakatuparan.
Binuksan ko ang ilaw. Ito pa rin ang kwartong iyon. Dito niya pa rin ako dinala. Napangisi ako. Kailangan kong maging matapang. Hindi ko maisasagawa ang plano ko kung hindi ako magiging matapang. Para ito sa mga magulang ko. Ginagawa ko ito para sa kanila.
Binuhay ko ang t.v. gamit ang remote na nakita ko sa side table ng kama. Naghanap ako ng magandang palabas habang nakahiga sa kama. Alas sais pa lang ng hapon. Siguro ay gabi pa siya makakarating dito kaya kailangan kong libangin muna ang sarili ko.
Pagsapit ng alas diyes ng gabi ay nag-ingay na ang mga bantay sa labas. Dumating na siya. Hinanda ko ang sarili ko. Inayos ko ang suot na medyo gusot na dahil sa matagal na pagkakahiga at paggulong-gulong sa kama.
"Nasa loob na siya boss." narinig kong sabi ng isang bantay.
"Good. Makakaalis na kayo." sagot ng pamilyar na boses. Kay Rizmond iyon. Napangisi ako.
Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa kwarto kung nasaan ako. Masama ko siyang tiningnan. Ngumisi naman siya.
"What?!" nakangisi niyang tanong.
"Kinulong mo ako rito pero iyan lang ang sasabihin mo? Ano bang problema mo? Hindi pa ba sapat na sinira mo na ang buhay ko? Sinabi ko na sa'yong hindi ako ang girlfriend ni Mondrick! Hindi ka ba talaga nakakaintindi!" pagda-drama ko.
"And you think, I will believe that?" nanlalaki ang mga mata niyang sabi. Kinabahan agad ako nang bigla niya akong sinugod at marahas na hinawakan sa mga panga ko.
BINABASA MO ANG
Revenge
RomanceNang malaman ni Ritzely Fajardo na ang taong kumidnap sa kanya ay siya ring pumatay sa mga magulang niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na magpahuli muli sa lalaking iyon. Galit, poot at hustisya para sa mga magulang ang tanging namutawi sa kanya...