His Unlucky Queen

14.2K 292 23
                                    

Hello guys!! Season 2 na po ito ng Reyna ng Kamalas-malasan. H'wag niyo muna 'tong basahin kung hindi niyo pa nababasa ang Reyna ng kamalas-malasan dahil baka maguluhan lang kayo! :) Available pa din po ang Reyna ng Kamalas-malasan sa book stores. Php 129.75 po! Thank youuu. Sana po patuloy niyo po itong suportahan!!




His Unlucky Queen

by cyclonicflash



"Reyna!!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi naman ako humarap kasi hindi naman Reyna ang pangalan ko. At sigurado rin naman akong hindi ako 'yon.


"Reyna!!" sigaw ulit niya. Napansin kong nakatingin ang lahat ng tao sa akin. Pero nagdire-diretso pa din ako sa paglalakad.


"Reyna ng Kamalas-malasan!" sigaw ulit niya. At sa pagkakataong iyon, napatigil ako. Reyna ng kamalas-malasan? Hindi ba't... ako yon? Pero bago ako humarap, nakita kong nakatingin pa din ang mga tao sa akin. Naisip kong..


Ang hirap palang mabuhay bilang ako.


Kasi kapag tinatawag akong Reyna, nagtitinginan lahat ng tao. Instant celebrity ang peg ko. Baka iniisip nilang isa akong mayaman na reyna na tumakas sa kaharian ko at ngayo'y hinahunting ng mga royal body guards ko para ibalik ako sa kaharian! Teka, ang lalim naman ata ng imagination ko.


Pero hindi naman kasi lahat ng reyna, nakatira sa mansion ng ubod ng ganda ('yong may swimming pool plus hacienda sa loob at may iba't ibang uri ng hayop na parang naging Animalia ).


Hindi rin lahat ng reyna, nakasuot ng magagarbong damit na parang araw-araw umaattend sa JS with matching make up na kapag nadapa, may to the rescue na body guards sa tabi nila.


At mas lalong hindi lahat ng reyna, nakasuot ng korona.


Iyong iba, may mga tao lang na tumuturing sa kanilang "reyna" sila, na hindi na nila kailangang magkaroon ng mga mamahaling bagay para lang mapabilang dito.


Bigla akong napatigil sa pag-iimagine ng may lumapit na guards sa akin.


"Excuse po, Ma'am. P'wede po bang sa tabi kayo dumaan? Hindi po kasi makadaan 'yong mga sasakyan dahil sa gitna kayo naglalakad. Nagagalit na po sila." Napatingin ako sa likuran ko. Para na akong papatayin sa inis ng mga taong naaabala ko.


Nakatingin pala sila sa akin dahil iniisip nilang salot ako sa daan. Hindi dahil akala nilang Reyna ako. Napakamot nalang ako sa ulo at tska tumabi sa isang sulok. Naisip ko lahat ng kashungaan at ilusyon ko. Parang biglang pinamukha ni kamalasan na hanggang dito nalang ako.


Oo nga. Ang hirap ngang mabuhay bilang ako.


Dahil ako, si Erahlyn Rodriguez walang mansion na ubod ng ganda, wala rin akong body guards, hindi rin naman nakagown everyday with matching rainbow colors na make up sa mukha, wala ring korona at mas lalong wala ring.. tumuturing na.. Ewan! Nakakabitter!


"Reyna!" Hindi ko alam kung bakit trip ko magdrama pero parang pinamukha sa akin ng tadhana na wala akong pag-asa para maging..


"Reyna ko!" natahimik ako.. at bumilis ang tibok ng puso ko. Napatigil ako sa pagdadrama. Maski mundo ko, tumigil din sa paggalaw. At sa pagkakataong ito, tumingin ako sa likod ko.


Ngumiti siya sa akin.

At maiyak-iyak akong tumakbo papalapit sa kanya.


Loving him is like living in hell. Too much pain, agony and sufferings. But no matter what happens, the king only bows down to his queen.. to His Unlucky Queen.


Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon