♕[46]
Matamis na Oo
"Get all what you want, Erah." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tiningnan ko ulit siya at naninigurado kung tama ba ang narinig ko.
"Yeah, get all what you want and I'll pay it." dagdag pa niya.
"Ha?" tanong ko sa kanya. Parang hindi kasi pumapasok sa utak ko 'yong mga narinig ko. Kumbaga ayaw nitong mag-sink in. Seryoso ba siya? Kuhanin ko ang lahat ng gusto ko? As in lahat? Sinabi niya 'yon? Kuhanin ko lahat ng gusto ko at siya na bahala magbayad? Baka naman sa huli magsisi siya dahil baka buong tinda sa SM ay magustuhan ko!
"Yes, Erah. Sabi ko get what you want and I'll pay it. Hanggang ngayon ba engot ka pa rin o baka pabebe ka lang?" sabi niya sa akin sabay halakhak.
"Alam mo pala 'yong pabebe.." medyo bulong ko pero hindi ko naman akalaing maririnig niya 'yong sinabi ko.
"Anong akala mo sa akin, hindi updated sa nangyayari sa social media? I have facebook account and twitter no! I know what pabebe means, seriously.. Erah!" iritado niyang sabi sa akin sabay ikot ng kanyang mata.
"Ikaw talaga! Alam mo namang binibiro lang kita. Pero.. seryoso ka sa sinabi mo? Kuhanin ko lahat ng gusto ko? Eh nandito lang naman ako para samahan ka, Kiel." sabi ko sa kanya pero bigla naman siyang natigilan sa paglalakad at humarap sa akin.
"Oh my God, Erah. How many times do I need to repeat it? Nakakastress ka, girl! Kung ayaw mong kumuha ng gusto mo, edi ako ang kukuha para sa iyo!" tugon ni Kiel sa akin. Oo, si Kiel. 'Yong kinalakihan kong kapatid ko na lumaki naman sa America kasama ng kinilala kong mga magulang. Kakauwi lang nila kahapon at nandito sila para bisitahin ang kompanya ng mga totoong magulang ko. Kaya ngayon ay nananatili muna ako kasama sila Yaya dahil nandoon sila. Gusto ko muna makipagbonding dahil namiss ko rin sila. At ang daddy rin kasi ni Kiel ang tumutulong sa amin hanggang ngayon para muling ma-revive ang kompanya.
Nag-umpisa na siyang hilahin ako papuntang Department Store. Halos hindi pa kami nakakapasok sa loob ay panay pili na niya ng damit na babagay sa akin. Hindi na rin kami makausad sa ibang lugar dahil ang dami niyang pinapasukat sa akin.
"Lahat 'to?" nalulula kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin sabay tango.
"You go, girl!" sabay cheer niya pa at tulak sa loob ng fitting room. Medyo nahilo naman ako sa dami ng damit na binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung anong una kong susuotin. Hindi pa nga ako nakakapili ng una kong susukatin ay kumakatok na kaagad siya.
"Here's another one, Erah!" sigaw niya pa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Panay ang tanggap ko nalang ng mga binibigay niya sa akin.
"Erah--
"Kiel, masyado na itong madami. Tama na muna 'tong 15 na damit." sigaw ko sa kanya. Wala namang problema doon sa fitting room kasi wala naman gaanong nagsusukat ng damit. Kaya walang magrereklamo sakaling matagalan ako sa pagsusukat. At tska maski 'yong saleslady na nagbabantay ay tinatawanan kaming dalawa ni Kiel dahil sa dami ng binibigay at pinapasukat niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...