♕ [42]

2.4K 100 10
                                    

Hello guys! Dahil matagal rin akong nawala, mahaba ring update ang kapalit!! Paloko-loko net ko kaya ang tagal ko bago makapag-update. Ayun, eto na rin sa wakas! Happy sembreak!! I'm back!! :) Salamat sa mga bagong followers, readers at kafriendships!! Thank you talaga. Kinikilig ako sa mga feedback galing sa inyo!

-c y c l o n i c f l a s h




♕ [42]

Paglaban


"Have a seat." ngumiti siya sa akin at tska tumayo para alalayan ako sa pag-upo. Tumingin naman ako sa paligid ko bago ako tuluyang umupo. Huminga ako nang malalim dahil mukhang wala naman ata rito ang hinahanap ko.


"Chi--


"Rex, hindi ako pumunta rito para makipag-dinner sa iyo. Alam mo ang pakay ko. Alam mo kung sino at ano ang pakay ko." seryoso kong sabi sa kanya. Diretso naman siyang nakatingin sa akin habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa labi ko.


"Era--


"Uulitin ko ha. Hindi ako nandito para makipag-dinner sa iyo. Sorry to say--


"Sir, here's the menu." natigilan ako sa pagsasalita nang biglang may dumating na nakangiting babae para iabot kay Rex ang menu.


"Give it to her." sabay turo ni Rex sa akin. Nanlaki naman ang mata ng babae na para bang kinagitla niya. Naglaho ang mga ngiti sa kanyang labi.


"To her, po?" pagtatakang tanong noong babae habang nakakunot ang kanyang noo. Nagulat ako sa reaksyon niya. Gusto ko siyang tanungin kung anong ibigsabihin ng mga tanong na 'yon? At kung anong ibigsabihin ng mga mapanlisik na tingin na ibinibigay niya sa akin?


"Yes. Is there any prob--


"Wala po, Sir. Sorry. Akala ko po kasi.. yeah. Nevermind. Sorry po ulit." at manginig-nginig na inabot sa akin noong babae ang Menu habang tinitigan niya ako na para bang hinuhusgahan ang pagkatao ko. Bigla akong nahiya sa sarili ko. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid ko. Oo nga. Parang kakaiba nga ako. Para akong napadaan lang dito sa lugar na 'to at biglang isinulpot sa isang napakagandang restaurant.


"Don't mind them." seryosong sabi ni Rex sa akin. Napaharap naman ako sa kanya at binalewala ko nalang ang nangyari. Umalis na rin muna saglit ang babaeng nag-abot ng Menu.


"What do you want? Pick your ord--


"Sinabi ko naman sa iyo na wala talaga ako rito para makipagdinner, diba? Rex, gusto ko na malinawan. Nasaan si--


"Shh." nilagay niya ang isang daliri niya sa labi ko na naging dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na't napansin ko ang diretso niyang pagkakatitig sa mata ko.


"Ma'am/Sir, here's a glass of water for both of you." bumalik siya at dala-dala ang dalawang basong tubig para sa amin ni Rex. Hinayaan ko nalang kung may nasabi man siya kaninang hindi ko nagustuhan ang tono. Hindi rin naman maiiwasan ang ganoong bagay lalo na't sa mga ganitong mamahaling restaurant.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon