♕ [24]
Definition
"Oh, Erah!" nagulat ako sa biglaang pagkalbit sa akin ni Yaya. Napatigil naman ako sa pagtakbo at humarap sa kanya.
"Tubig, oh. Pawis na pawis ka na. Sure ka ba sa pinaggagawa mo? Mukhang pagod na pagod ka na. Tumigil ka na nga dyan." sabi ni Yaya sa akin. Napahinga naman ako nang malalim at ininom ang tubig na dala ni Yaya sa akin. Pinunasan ko na rin ang pawis na tagaktakan sa mukha ko.
"Ka-kaya..-ko-p-
"'Yan ba 'yong kaya? Parang hindi ka na makahinga?" tanong niya sa akin. Napailing ako. At nagsimulang mag-jog in place sa loob ng 30 secs na walang tigil.
"Tumigil ka na. Mukhang hindi mo-
"Si-mula palang 'to, Yaya. Warm-up pa nga lang 'tong ginagawa ko." napangiwi si Yaya. Maski ako ay hindi maisip na warm-up pa nga lang 'tong ginagawa ko ay pagod na pagod na ako. Hinihingal na ako at gusto ko na agad umupo.
Sinimulan ko na ang pag-jumping jack ko..at kailangan 40 secs na walang tigil sa pagtalon. Dahil hindi ko nakayanan ay 28 secs palang, tumigil na ako at umupo. Napakunot ang noo ni Yaya habang pinapanuod ako. Iritado naman ako sa sarili ko dahil simpleng exercise ay hindi ko magawa. Ilang araw ko na ring sinusubukan 'to pero nananatili pa rin akong hanggang Jumping Jacks. Wala akong matapos. Nahihirapan ako. Nahihirapan katawan ko.
"Kumain ka na nga lang. H'wag mo na i-push 'yan. May class ka pa mamayang 9:30." umiling naman ako sa sinabi ni Yaya kaya natigilan siya sa paglalakad.
"Naku. Imbis na diet kalabasan niyan at pumayat ka.. baka mamatay ka pa, e. Pinahihirapan mo ang sarili mo!" sabi ni Yaya sa akin. Pinunasan ko lang naman ang pawis ko at tiningnan ko rin ang cellphone ko.
Wala pa siyang text ngayong umaga. Siguro ay hindi pa siya gising. Parang naging daily routine na kasi naming dalawa ang mag-text, pagkagising. Pero tanghali na ay hindi pa rin siya nagte-text ngayon. Kadalasan kasi, nauuna siyang i-text ako. Tulog pa kaya 'yon ngayon?
Inihanda na sa akin ni Yaya ang pagkain ko pero mga tatlong kutsara lang ang nabawas dito. Takang-taka siya sa akin dahil patingin-tingin pa ako salamin habang kumakain. Nabasa ko kasi sa tips na para hindi ka ganahan kumain ay tingnan mo ang sarili mo sa salamin habang kumakain.. para ma-realize mo kung gaano ka kataba at siguradong mawawalan ka ng gana kumain. O baka nga, hindi ka na kumain.
Mabuti nalang siguro 'yong hindi kami nagkita ni Rex noong nakaraan dahil nagka-chance pa akong magpapayat. Pero feeling ko.. ni-tuldok sa katabaan ko ay hindi nabawasan.
"Bakit ba ayaw mong kumain? Para ka pa ngang stick sa lagay na 'yan tapos natatabaan ka pa sa sarili mo?" rinig kong sabi ni Yaya. Napatingin ako sa braso ko at hindi naniwala kay Yaya.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
Romanzi rosa / ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...