♕ [40]
Pag-asa
"Jas, wala ka ba talagang pera d'yan? O baka naman p'wede mo akong hiraman kay Tita. Kasi kailangan na kailangan ko talaga, e. O kaya.. raket. Kahit anong raket basta hindi illegal, gagawin ko." huminga naman ng malalim si Jas at feeling ko alam ko na ang sagot niya. Malinaw ko namang naintindihan na wala siyang maipapahiram sa akin.
Nanlumo akong tumayo sa upuan habang tinitigan niya ako.
"Pasensya ka na talaga, Erah ha.. Alam mong walang wala rin kami ngayon ni Mama, e. Gustong-gusto kitang tulungan pero.. wala talaga. Sorry, Erah." paliwanag niya sa akin. Bigo naman akong namaalam sa kanya at nagsimulang maglakad lakad kung saan man ako bitbitin ng paa ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi pa alam ni Dad na may kailangang bayaran sa coffee shop dahil may nasira si Kuya. Wala silang kaalam-alam. Ako lang sa pamilya ang nakakaalam. At ang masaklap pa, bukas na ang deadline na hinihingi sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko pa 'yon mababayaran. Kahit piso ay mukhang wala akong maibibigay sa kanila.
Ngayon pa nga lang ay namomroblema na sila kung paano babayaran ang hospital bill ni Mommy at paano rin matutulungan si Kuya na ngayo'y nasa presinto pa.
Gipit na gipit talaga ang pamilya namin. Unti-unti pang nag-alisan ang mga kliyente sa kompanya at hindi ko alam kung paano namin maibabalik lahat 'yon. Nakakahiya mang sabihin pero unti-unting bumabagsak ang kompanya namin. Para bang may nagpapatigil sa mga kliyente at halos lahat sila ay biglaang nawala.
Napansin ko nalang ang sarili kong papunta na sa isang bahay kung saan nandoon si Yaya. Nagbabakasaling may pera siya na maipahihiram sa akin. Desperadong desperado na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit na naman nagiging miserable ang buhay ko.
Pagkadoorbell ko palang at agad ding lumabas mula sa bahay si Yaya. Nagulat siya nang makita niya ako at bigla niya akong niyakap. Hindi ko naman mapigilang umiyak habang niyayakap ako ni Yaya. Para bang namiss ko ang "comfort" na naibibigay niya sa akin.
"Shh.. Anong problema?" tanong sa akin ni Yaya habang hinahawakan ang buhok ko. Hindi naman ako nakapagsalita sa tanong niya.
"Pumasok ka na muna. Nakakahiya kung dito ka iiyak. Ano ka bang bata ka." patawa niyang bulong sa akin. Kahit medyo tumatawa pa si Yaya ay dama kong alam niyang may problema.. Si Yaya 'yan at sa kanya ako lumaki. Para na nga niya akong anak, e.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid. Nag-iba ang ayos ng bahay. 'Yong frame na nasa kaliwang side ay nalipat sa kanan. 'Yong mesa ay naurong ng 2 inches. Hindi ko alam kung bakit pati sukat ay napansin ko. Pero halatang-halata ang mga pagbabagong nangyari sa bahay.
"Darating kasi sila Daddy mo. Kaya ayan. Naglinis ako ng bahay. Ayos naman, hindi ba?" napatingin ako kay Yaya. Para bang alam niya na kaagad ang itatanong ko. Naramdaman niya na kaagad na nagtataka ako na nagbago ang setting sa bahay namin.
Pero ano? Darating sila Daddy?
"Ano bang pr--
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...