♕ [21]

3.2K 124 10
                                    

♕ [21]

We're leaving




"Are you sure, Erah? Ready ka na ba talaga?" napatingin ako kay Kuya na ngayo'y kinakausap ako habang inaayusan. Ilang oras nalang magsisimula na ang party at hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa nangyari kahapon. Kulang nalang mangalay na ang mga labi ko, kakangiti. Muntik na nga akong hindi makatulog kagabi dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko nga rin alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkita kami ngayon.



"Ano ba, Kuya Kevs. Kakasimula palang make-upan ako..ready na kaagad?" pagtatakang tanong ko. Napakunot naman ang noo ni Kuya. Naka-upo siya sa upuang malapit sa akin kaya kitang-kita ko siya.




"I mean, ready ka na bang magpaligaw kay Rex?" natigilan ako sa tanong niya. Tapos napangiti ulit ako. Bigla kong naalala 'yong nangyari kahapon na nagtanong si Rex sa harapan ng mga parents ko.



"Can I court her, maam/sir? If not, I am willing to wait until you say yes." tanong niya. Nagkasigawan naman ang mga tao doon at nagkatinginan ang Mom at Dad ko.



"Oo, Rex! Payag akong magpaligaw sa iyo!!" halos mapasigaw kong sabi pero natigilan ang lahat ng tao. Bigla akong nahiya dahil na-realize kong hindi nga pala ako ang tinatanong.



"I'm asking your mom and dad, Erah." bulong na sabi sa akin ni Rex. Napakamot naman ako sa ulo ko at napansing nagbulungan rin ang Mom at Dad ko. Hindi ko maintindihan ang naging reaksyon nila. Nagulat sila sa aming dalawa. Pero maya-maya, napansin ko ang dahan-dahang pagtango kay Rex ng mga magulang ko. Kulang nalang buhatin ako ni Rex sa sobrang saya.


Pagkatapos noon ay walang-sawa na akong inintriga ng mga pinsan ko kay Rex. Pati si Mommy at Daddy ay tinanong ako kung anong real score ni Rex sa akin. Hindi ko alam kung paano ko na-explain na simula 2nd year HS ako ay gusto ko na siya. Pinayuhan naman ako ni Mom na h'wag naming madaliin ang lahat. May oras sa lahat ng bagay.


Sabay kaming nag-dinner ni Rex noong gabing 'yon. Alam kong masaya siya dahil kitang-kita sa mga nagniningning niyang mga mata. Maski ako ay hindi ko rin matagong masaya ako dahil pagkatapos ng ilang taon kong paghihirap na mapansin niya ako ay mukhang nakuha ko na ang reward ko.


Panay ang asar ni Sha-sha sa aming dalawa at tinatanong niya pa kung kailan ko sasagutan ang Kuya niya. Nagulat naman ako sa sagot ni Rex na gusto niyang dahan-dahanin ang lahat at h'wag muna akong biglain. Maghihintay daw siya hangga't kailan ko siya gustong sagutin. Hayaan ko muna siyang ipakita ang makakayanan niya.


Hanggang sa pagtulog ko ay iniisip kong mabuti ang mga nangyari noong araw na 'yon. Hindi ako makapaniwala at iniisip kong nananaginip ako. Pero hindi. Ilang beses ko nang hinampas ang sarili ko.. pero totoo nga. Totoo nga ito.




"Erah? I'm asking you. Handa ka na ba pumasok sa relasyon?" natigilan ako sa pag-ngiti sa tanong ni Kuya. Siguro ay concern lang siya sa akin.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon