♕ [2]

5.2K 178 48
                                    

♕ [2]

Bakas ng Nakaraan



"Siguro mas mabuting pagpahingahin niyo nalang po muna siya." sabi ng isang nurse sa clinic kay Yaya. At kahit naman hindi sabihin 'yon, sure akong magpapahinga lang talaga ako. Maski nga gumulong sa higaan ay parang hindi ko magagawa dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.


"Dapat nga sa higaan nalang muna siya tumira para hindi na muna siya madisgrasya eh." sabi ni Ryker at agad ko naman siyang tiningnan ng masama.


"Tss." reaksyon ko habang pangiti-ngiti siya. Bigla akong manahimik nang maisip ko kung ano ang sinabi ko. Ako pala 'yon? Naadapt ko na ang "tss" na salita sa bokabularyo ko.  Umaabot na ang isang taon pero imbis na makalimutan ko ay lalo kong pang naalala ang mga bakas ng nakaraan.


Inalalayan na ako ni Ryker habang palabas ako ng clinic. Siya rin naman ang tumulong sa akin para mahatid ako dito. Hindi ko pa alam ang pakay niya kung bakit siya nadayo at kung paano niya nahanap 'tong bahay dahil nga hindi pa rin kami nagkakausap. Ang gulo kasi kausap ng taong 'to eh.


"Aray. Dahan dahan naman sa pag-alalay sa akin, Ryker." sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa mukha niya. Oo, aminado akong may itsura 'tong si Ryker. Matangkad. May pagkamestizo na para bang may lahi. Matangos rin ang ilong niya at ang buhok niya ay medyo nakataas. For short, para siyang manok na dadalhin sa sabungan.


"Kung ako sa iyo, magkukunwari-kunwarian na akong masakit ang buong paa ko para mabuhat na naman ako." bulong sa akin ni Yaya sa gilid ko. Hindi naman kumibo si Ryker at sigurado naman akong hindi niya narinig 'to.


Hindi nalang ako umimik. Feeling ko magdadrama na naman ako. Kung siya kasi 'yong taong 'yon malamang kanina pa ako nagdrama na kunwari masakit ang buong katawan ko para buhatid ako kahit gaano ako kataba. Pero hindi naman siya 'yon eh. At kahit gaano pa kag'wapo ang nilalang na ito. Wala pa rin. Mas g'wapo pa rin siya diyan.


"Teka parang nasasaktan ata 'tong alaga." rinig kong sabi ni Yaya.


"Ay hindi, wala namang masakit sa akin. Ok lang ako, Ryker." at inirapan ko si Yaya. Kung gusto niyang magpabuhat, siya nalang. Pero ako? Hindi. Bakit naman ako magpapabuhat? Magkaroon pa ako ng utang na loob sa nilalang na 'to!


"Sigurado ka ba, Erah?" tumango nalang ako. Tiningnan ako ng masama ni Yaya. Ano ba, Yaya. Sana ikaw nalang ang nadapa at hindi nalang ako kung gagantuhin mo rin naman ako. Parang binubugaw mo ako sa isang lalaki na wala naman akong gusto.


Hindi naman kasi porket g'wapo ang isang tao, gusto ko na. Mas pipiliin ko pang mabitter for life kung ipagsisiksikan ko na naman ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako gusto. Para bang nadala na ako sa agos ng buhay ko.


"Dahan dahan sa pagsakay." sabi ni Ryker sa akin. Ngiting ngiti naman si Yaya na akala mo siya 'yong inaalalayan. Kung ako kasi talaga sa Yaya ko, maghahanap na ako ng boyfriend para hindi 'yong kikiligin ka sa buhay ng ibang tao. 'Yong tipong 7.50 nalang 'yong Ariel pero wala pa ring boyfriend o manliligaw ang Yaya ko. Hindi ko lang alam kung walang nanliligaw o meron ba. Wala naman siyang sinasabi. Pero ako na ata ang pinakamasayang tao kapag nag-asawa ang Yaya ko. Ako pa mismo mag-aarrange ng simbahan na dadausan, reception at maging honeymoon nila! Pero s'yempre joke lang 'yon!

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon