♕ [20]

3.3K 161 23
                                    

♕ [20]

Beach Party 2




"May hula na ba kayo sa first game natin?!" sigaw ni Kuya Kevin. Tiningnan ko naman ang mga gamit na nasa paligid ko. Sako lang naman ang nakikita ko bukod sa flag na nakatayo malapit sa may beach.



"Dahil ang first game natin ngayon ay... sack race!!" napailing naman ako. Sack race? Kung ako ang magiging ka-team nila ay matatalo lang sila! Paniguradong mabagal ako dahil nag-aadjust palang ang paa ko.



"Baka hindi ako maka-



"Go Ate Erah and Kuya Rex!!!" rinig kong sigaw ni Sha-sha out of nowhere. Napalunok tuloy ako. Napatingin ako kay Rex habang seryoso siyang nakikinig kay Kuya Kevin.



Napatingin ako sa mga pinsan kong tuwang-tuwa makipagunahan sa pila. Ako naman ay nanatili pa ring nakatayo sa isang gilid.



"Let's go, Erah. Sali tayo." hinila ako ni Rex para makapila roon. Pinipilit kong umiling pero patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Wala akong nagawa hanggang sa tuluyan na kaming nag-countings. At ang kinalabasan? Hindi kami magka-group ni Rex kaya nakasimangot ako hanggang mag-umpisa ang sack race.



"Woooo!! Galingan n'yo!" sigawan ng iba kong pinsan pero hindi ko 'yon pinapansin. Nakatingin ako sa kabilang team kung saan nandoon si Rex na pinalilibutan ng iba kong pinsan na babae. Nababad-



"Erah! Ikaw na ang sunod! Galingan mo!!" bigla akong natigilan sa sinabi sa akin. Nanlaki ang mata ko nang maalala kong sack race nga pala ang sinalihan ko. Napatingin din ako sa paa ko at nagsimula na akong magdasal na sana walang mangyaring masama sa akin. Hindi ko namalayang pagbibigyan ko si Rex ngayon.. pero hindi kami magkagrupo.



Hinintay ko ang kakampi ko para bumalik. Nagtatalunan ang mga ka-group ko at halos itulak nila ako nang dumating ang isa naming kakampi. Nagmadali akong tumalon papunta sa may flag para maikutan ko 'yon. Pero laking gulat ko nang makita ko si Rex na kinakausap ang mga pinsan kong babae. Parang automatic akong nawala sa sarili ko.



"Ate Erah!! Bilisin mo! Mauunahan ka na!" sigaw ng mga kakampi ko kaya nagpatuloy ako sa pagtalon. Medyo nahihirapan na ako pero nanatili ang kabilang mata ko na pasilip-silip kay Rex at doon sa isa kong pinsan!



"Easy ka lang, Erah!" rinig ko pang sigaw nila. Pero hindi! Hindi ako makapag-chill lalo na't nakita kong may binulong pa 'yong pinsan kong naka-swim suit lang kay Rex at ngumiti pa si Rex sa binulong niya! Letsugas!!



Sa sobrang inis ko, nanggigil ako sa pagtalon pero laking gulat ko nang ma-out of balance ako sa pagtalon. Bigla akong natumba at nagpagulong-gulong sa buhangin.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon