♕ [39]

2.1K 97 11
                                    

♕ [39]

Pagsuko


"Teka! Sasama ako." bigla siyang natigilan sa paglalakad nang marinig ang sigaw ko. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.


"You should stay here or you should follow your Mom in the hospital." seryosong sabi niya sa akin. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang itsura ni Mommy nang marinig niya ang sinabi ko tungkol kay Kuya. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil nagpadalus-dalos ako at hindi ko muna inisip ang mga posibleng mangyari kapag sinabi ko 'yon. Mas lalo tuloy akong naguluhan kung saan nga ba ako pupunta.


"I'll go now, Erah." natigilan ako sa pag-iisip dahil nagsalita ulit si Rex. Ibang-iba ang aura ni Rex ngayon kumpara noong nakaraan na para bang kitang-kita ko sa mga titig niya kung gaano ako kahalaga sa kanya. Feeling ko ngayon ay bumalik ang pakikitungo niya sa akin noong highschool dahil.. sa tono ng boses niya at sa mga titig niyang walang emosyon ngayon.


Tumango ako sa kanya at tska na siya tumalikod sa akin. Hindi na ulit siya nagbalak magpaalam ulit at dahan-dahan na siyang naglakad papalayo. Pero kada-hakbang niya, para akong tinutusok ng karayom sa puso ko. Ang korny mang pakinggan pero ganoon nga ang nararamdaman ko. 


"Rex!!" tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya sa kanyang likuran. Hindi naman siya gumalaw ngunit kapansin-pansin ang pagkagulat niya sa ginawa ko.


"Hayaan mo akong sumama." sabi ko sa kanya. Inisip ko rin na gusto kong gawan ng paraan ang bagay na 'to bago ako pumunta kay Mommy sa hospital. Para naman sa ganoon, may dala akong good news kapag binisita ko siya. Ayoko rin naman kasing hayaan na madagdagan pa ang mga problema nila dahil sa mga bad news na dala-dala ko.


"Stay here." mahinang sabi niya. Pero umiling ako. 


"Hintayin mo ako. Magpapaalam lang ako kanila Manang. Aalis tayo at pupuntahan natin si Kuya sa coffee shop. Hindi kita hahayaang pumunta mag-isa doon." sabi ko sa kanya. Hindi na naman ako naghintay ng sasabihin niya at agad na rin akong tumakbo papunta kay Manang. 


Kitang-kita ko sa mukha nilang lahat ang pag-aalala kay Mommy. 'Yong iba naming kasambahay ay kasama na rin sa hospital ngayon. Sila Manang naman daw ay susunod sa hospital kapag natapos na nilang ayusin ang mga gamit.


"Mag-iingat ka." tumango ako kay Manang at tska bumalik na kay Rex. Nakatayo pa rin siya sa may gilid ng pader habang hinihintay niya ako. Nakatulala lang siya at malalim ang iniisip niya. Hindi na ako sanay makita siyang ganyan. 


Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan. Pero bago pa man niya buksan ang kotse niya narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. Hinihintay ko ang gusto niyang sabihin sa akin pero dumaan na ang ilang segundo ay wala pa rin siyang sinasabi.


"Sorry ta--


"I jus--


"Sorry, hindi ko--


"Sor--

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon