Hello guys! Chapter 49 na po 'to. Ilang chapter nalang ay mamamaalam na. Maraming maraming Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng kwentong ito.. at hindi nagsasawang basahin! Kayo ang tunay na alamat. Kung wala kayo.. wala rin itong Season 2!! Salamat!
♕[49]
Makakapunta
"Hello, Jas! Papatulong sana ako sa inyo ni Dylan, eh. Samahan niyo naman ako ngayong araw na mamili ng mga kakailangin ko. Isusurprise ko si Rex.. Hmm. Sasagutin ko na kasi siya." sabi ko kay Jas sa kabilang linya.
"Sige, Erah.. Sasabihin ko nalang kay Jas. Tulog pa--
"Magkasama kayo natulog? Ha? Grabe kayo! Ibang level na talaga 'to. Baka next time ako na tawagan n'yo kasi magnininang na ako." sabay halakhalk ko.
"Mali ang iniisip mo, Erah--
"Ako pa minali-mali mo, Dylan. Kayong dalawa pa ni Jas! Susme. Sa akin pa ba kayo magtatago? Sige na. Okay lang. Pumapayag na rin ako maging Ninang." sagot ko naman uli. Narinig ko naman ang paghinga niya nang malalim.
"Patapusin mo naman kasi ako magsalita, Erah. Let me expl--
"Ay bongga! Pashowbiz na kayo! Basta basahin mo nalang kay Jas na pumunta kayo ngayon dito. Tulungan n'yo ako. Sasagutin ko na siya. Please." pakiusap ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla ba namang sumigaw.
"Makinig ka muna kasi sa akin!! Wala si Jas dito. Hindi ko kasama! Tska walang nangyayari sa amin 'no. Grabe ka mag-isip! Nasa akin ang cellphone niya kasi pansamantala muna kaming nagpalit kasi akala niya may katextmate akong iba." medyo natawa naman ako sa sinabi niya. Ang possesive naman talaga nitong si Jas, oh! Eh dati naman.. siya pa 'tong ang dami-daming katextmate!
"Ay ganon.. Basta! Ikaw nalang tumawag sa kanya. Maliligo na ako kasi marami pa ako aasikasuhin." sabi ko sa kanya at binaba ko na ang tawag habang pailing-iling.
Nag-ayos na ako ng gamit ko para makaligo na rin. Sa dami rin ng biniling damit sa akin ni Kiel ay hindi ko alam kung ano ang susuotin ko bukas.. Baka magpatulong nalang ako sa kanya kung alin ba dito. At oo.. Bukas ko siya balak sagutin. Ilang araw nalang kasi magpapasukan na ulit dahil matatapos na ang sembreak. Kaya bago magpasukan ay lulubus-lubusin ko na 'tong sinisigaw ng damdamin ko!
Nagsearch na rin ako sa Internet ng mga p'wedeng gawing pakulo. Walang kaalam-alam si Rex at kung mananahimik ang dalawa kong kaibigan na lovers at magiging matagumpay 'to! Sana nga lang ay manahimik sila. Dahil sila rin ang balak kong pasunduin kay Rex.
Pagkatapos kong maligo ay narinig kong natawag na sa akin si Yaya. Sa lahat ng sinabihan tungkol sa mangyayari ay kay Yaya ako nakatanggap ng sobra-sobrang kadramahan. Ineexpect ko iyon sa mga magulang ko pero hindi.. Suportado naman daw nila ang desisyon ko basta aayusin ko ang pag-aaral ko. Maski si Kuya ay ganoon rin ang naging sagot. Wala na daw siyang problema.
Pero si Yaya? Hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon niya. Si Yaya na nagtulak sa aming dalawa ni Rex dati ay siya pa 'tong naging emosyonal. Hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...