♕ [12]
Who isn't you
Nahihiya ako kapag naalala ko ang mga pinagsasabi ko kay Rex kahapon. Parang gusto ko na magsuot ng maskara tuwing makikita o siya o magkikita kaming dalawa. Gusto kong magtago noong para oras na iyon. Hindi. Gusto kong magtago kapag andiyan siya. Nakakahiya.
"Miss me?" naalala kong tanong niya sa akin. Para naman akong binuhusan ng yelo noong marinig ko ang mga salitang 'yan na lumabas mismo sa bibig niya!
"Ah—
"I'm just kidding. Para naman magsalita ka diyan." bigla siyang ngumiti habang nagda-drive. What the heck, Rex Garcia? Stop talking like that! H'wag kang magsalita na parang walang nangyari noon. H'wag mo na namang paasahin ang puso kong tagpi-tagpi na. Pero sa sinabi niyang iyon ay parang namula ako.
"Wala kasi ako—
"I miss you." at bigla akong napatitig sa kanya. Nagulat ako. Anong sinabi niya? Teka? Feeling ko nag-iilusyon ako! Baka nangangarap ako! Kung anu-anong naririnig ko. Normal pa ba ako?
"Sorry? May sinabi ka ba?" napatigil siya sa pagda-drive at humarap sa akin. Baka mali lang kasi ang rinig ko noong oras na iyon. Baka biglang napasukan ng lamok ang tenga ko o ano mang insekto. O baka naman mayroon akong tutuli na hindi ko naalis.
"I miss you." at bigla niya akong niyakap! Oo! Niyakap niya ako kahapon! Na-paralize ako noong oras na iyon. Napatulala at hindi ko siya mayakap pabalik. Pero ang sabi ng puso ko? Dugdugdug. Na para bang gustong lumabas. Gustong magwala. Gustong mag-harlem shake!
"Na-miss din ki—hindi!!" pero laking gulat ko dahil bigla ko siyang tinulak. Tinulak ko ang pinakamamahal kong lalaki. Matagal kong pinangarap na mayakap niya ako, maamoy ang kabanguhan niya at makita ang mga ganyang ngiti niya. Hindi ko akalaing darating ang panahong iyon. Pero mali.. Mali ito! Hindi ito p'wede. Biglang nag-flashback sa akin ang mga sinabi ng tatay niya. At ang mga sinabi sa akin ni Jas, ng bestfriend ko.
"H'wag ka kasing maiinlove sa taong walang pakialam. Para kang nagwawalis na bukas ang electric fan. Lahat ng effort, nasasayang." naalala kong sabi sa akin ni Jas.
"Life can be full of unexpected things. Look, my son.. Rex is now in good condition with his girlfriend." ang mga salitang tumusok sa puso ko. Ang mga salitang parang naging bala na bumaril sa akin.
"Mali 'tong ginagawa natin, Rex!! Maling mali!" sigaw ko sa kanya habang tinulak ko siya papalayo sa akin. Gustuhin ko man siyang yakapin ng mahigpit at matagal pero hindi p'wede. Alam ko ang totoo. Nakarating iyon sa akin. Ayoko na namang makisiksik sa taong alam kong nag-uumpisa na namang paasahin ako. Tama na ang katangahan, please.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...