♕[48]
Family dinner
Pagkatapos naming mabili lahat ng ingredients ay agad din kaming umuwi. Naging smooth naman ang byahe sa aming dalawa. Kahit papaano ay nagkukwentuhan na kami at medyo hindi na ako naiilang.
Nakaabang na nga si Yaya sa gate pagdating namin. Magagalit pa sana siya sa akin kung bakit ang tagal ko pero bigla 'yong naglaho dahil nakita niya si Rex. Ang kanyang iritadong mukha ay napalitan ng ngiti na may halong pang-aasar sa akin.
Basang-basa ko na kaagad sa mukha ni Yaya na para bang nagtatanong siya kung paano at saan kami nagkita ni Rex.. kung bakit ako nakasakay sa sasakyan niya.. bakit kami magkasama at kung anu-ano pa.
"Erah, you're here na--Oh my God. Is that.." biglang lumabas ng pinto si Kiel at halos mapatakip siya sa kanyang bibig gamit ang kamay niya. Binaba ni Rex ang bitbit niya saglit at naglahad ng kamay kay Kiel.
"Rex Garcia." ngumiti ito sa kanya. Palipat-lipat ng tingin si Kiel sa akin at kay Rex. Hindi niya maipinta ang mukha niya.
"Ahh.. Kiel Rodriguez. Kapatid ko s--
"Yes, i know." sagot pa nito sa kanya. Hindi na ulit nakasalita si Kiel sa gulat at tuluyan na kaming pumasok ni Rex sa loob ng bahay.
"Nako, Rex! Dito ka nalang kumain sa bahay. I'm going to cook for you. Nakain ka ba ng gulay?" tanong ni Yaya sa kanya. Todo entertain naman si Yaya sa kanya at kung anu-ano na ang pinag-uusapan nilang dalawa. Medyo naririnig ko na nga si Yaya na panay English na rin.
Close na close talaga sila na parang si Yaya na nga ang nililigawan ni Rex. Iniwan ko muna sila saglit dahil kukuhanin ko sana ang cellphone kong nakacharge sa taas. Pero nagulat naman ako nang bigla akong harangan ni Kiel.
"Oh my God, Erah!! Si Rex ba talaga 'yon?! You look good together! Seriously! Kung ako sa iyo, sasagutin ko na talaga 'yon." At ito na naman ang naging topic niya. Ngumiti lang naman ako at umiling sa kanya. Panay asar niya sa akin hanggang makuha ko ang cellphone ko.
Tiningnan ko 'to at napansin kong may tatlong text sa akin kaninang umaga. Hindi ko nacheck 'to dahil nalowbat siya kagabi at busy rin ako kaninang umaga. Agad kong tiningnan ang tatlong messages.
Labidoo :
Can I visit you?
Labidoo :
I miss you.
Labidoo :
Damn. Why are you not replying? Are you busy? :(
Biglang nagmelt ang puso ko. Hindi ko alam na nagtext pala siya sa akin kanina. Bumaba ako habang nakangiti pa rin pero bigla akong natigilan sa narinig ko.
"Oo, family dinner sila dito. Dito ka nalang kumain para mameet mo ulit 'yong Rodriguez at Mercado family!" rinig kong sabi ni Yaya. Napakunot naman ako ng noo at pinag-isipan ang sinabi ni Yaya. Family dinner? Meron? Bakit.. bakit hindi ko alam 'yon?
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...