♕ [25]

3.2K 123 13
                                    

♕ [25]

Day 1




Labidoo <3 :


Wanna go out later?



Nagising ako sa tunog ng cellphone ko at halos manlaki ang mata ko sa nabasa kong text mula sa kanya. Kinusot ko ang mata ko at biglang napabangon nang mapansin kong alas-otso na pala ng umaga.



Ako :


May class pa ako ngayong umaga.



Ngiting-ngiti ako habang nagtitipa sa i-rereply ko sa kanya. Kahit wala pang hilamos at toothbrush ay mas inuna ko pang reply-an ang text niya! Hindi naman niya ako maaamoy kaagad, e.


Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang mukha kong may laway-laway pa sa mukha. Halos magdidikit na ang buhok dahil sa natuyo kong laway. Pero hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil feeling ko ang haba ng buhok ko at ang ganda ko. Ikaw ba naman i-text ng isang Rex Garcia at yayaing lumabas, ewan ko nalang kung hindi ka pa rin kiligin.


Ang sarap pala sa feeling kapag.. nagigising ka sa tuwing umaga at pagtingin mo sa phone mo may text na siya kaagad sa iyo. 'Yong feeling na isang text niya lang buo na kaagad ang araw mo. At 'yong feeling na kahit hindi ka na mag-exercise ay parang ang taas ng energy mo na para bang gusto mong sumayaw ng Watch me nae nae sa harapan ng bahay n'yo like yeah! Ang tindi. Tinamaan nga ata ako.


Ganito pala 'yong feeling na may nagpapahalaga sa iyo, may nagtatanong kung kumain ka na ba, nakauwi ka na ba, sinong kasama mo, may kasabay ka ba at may gustong makipagkita sa iyo. Ewan, ang saya sa feeling. Parang nasa heaven na ako. At hindi lang normal kasi.. si Rex Garcia pa ang nagsasabi n'yan sa akin.



Bago pa man ako makalabas ng kwarto ay muling tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko.. at ngumiti muna ako bago tingnan ang cellphone ko. Alam kong siya-



Pero natigilan ako dahil hindi pala sa kanya galing ang text na 'to. Napatagilid ang ulo ko dahil nahihirapan talaga akong basahin ang text na 'yon.



+63928******* :


h3y, nHanDiTo nuAh 'kqam3h sXa lHabAszx n6 gHat3'. <3



Sumakit ang ulo ko. Muntikan ko na maibato ang cellphone ko! Letse. Ang ganda-ganda ng gising ko tapos sisirain lang ng mga ganitong text? Nagmadali akong lumabas para tingnan kung sinong nasa gate namin.. kung sino ang mga jejemon na nasa labas namin.. pero napailing ako nang makita ang pasilip-silip na mga mukhang timang sa tapat ng bahay namin.


Bigla pa silang kumaway sa akin. Napapasok ako bigla sa loob ng bahay at napahawak sa ulo ko.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon