♕ [16]

3.3K 127 18
                                    

♕ [16]

Parehong Oo




"Sharlina. Why are you here? Sinong kasama mo?! Let's go home!" tumayo si Mr. Garcia at lumapit kay Sha-sha. Napatulala ako noong makita ko si Sha-sha. Kung dati ay cute siya, ngayon? Isa na siyang napakagandang babae. Hindi ako makapaniwalang si Sha-sha na ang kaharap ko ngayon.



"Lolo, sinundan kita. Narinig kong papunta ka dito.Kung gusto mong umuwi, then..go home. But i want to stay here." pilit niyang sabi sa Lolo niya. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin. Para akong nakaharap ngayon sa isang dyosa.



"Oh my God, Sharlina! Learn to respect! Hindi kita pinalaki ng ganya—-



"I know how to respect, Lolo. At alam ko kung sino talaga ang dapat i-respeto. I am sorry." matapang na sabi ni Yaya sa lolo niya. Hindi ko akalaing lalaki siya ng ganyang bata. Para siyang si Ethan! Palaban! Kinabog niya pa ako.



"Let's go home!—



"Lolo, hindi ako sasama sa iyo! Leave me.. please." pagmamakaawa niya sa Lolo niya. Hindi na ito naka-imik at galit na galit na humarap sa amin ni Sha-sha.



"Well, then.. if that's what you want, Sharlina. Makakarating 'to sa mommy mo! Hindi ko alam kung saan mo natutunan 'yan. You're still young.. but look.. look at yourself! Kung makapagsalita ka, akala mo may napatunayan ka na!" pagkatapos sabihin ni Mr. Garcia 'yon ay umalis na 'to. Napayuko nalang si Sha-sha pagkaalis ng kanyang Lolo.



"Sha-sha, dapat kasi hindi ka nalang sumali sa usapan.. At sumama ka nalang sana sa kanya pauwi." pero nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Sha-sha. Humagulgol siya sa pag-iyak at hindi ko alam ang gagawin ko kung paano siya patatahanin.



"Bakit..bakit ka naiyak? Nasaktan ka ba sa sinabi ng Lolo mo?" tanong ko sa kanya. Masakit masabihan ng mga ganoong salita. Lalo na kapag nanggaling pa sa pamilya mo. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha niya.




"Actually, he's not my Lolo, Ate. Nasanay lang po akong tawagin siyang Lolo kasi siya ang pinakamatandang kapatid ng Mom ko. Tito ko po siya. Sanay na rin akong mapagalitan dahil akala nila nagre-rebelde ako. 9 years old palang daw ako, sinasagot ko na sila. But that's not true. Hindi ako nagrerebelde. Talagang hindi lang ko lang nararamdaman ang pagmamahal sa pamamahay na 'yon. Palagi naman akong iniiwan ng parents ko.. as usual. Pero masaya ako ngayon, Ate. Nahanap ulit kita. After all those years.. Feeling ko nahanap ko 'yong taong makakaintindi sa akin. I am really happy, Ate Erah or should I call you mommy again?" ngumiti ako sa kanya at napayakap ulit. Nalulungkot ako sa mga sinabi niya. Naalala ko 'yong mga moments na ako ang nakakaranas ng mga ganitong bagay. 'Yong tipong gusto ko rin mag-rebelde pero hindi ko magawa. Kasi iniisip ko na magagalit sila. Oo, puro sila nalang.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon