♕[28]

2.9K 116 15
                                    

♕[28]

Forever


Parang biglang nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako o kaya naman sasabihin ko kung gaano ko rin siya kamahal. Hindi ko alam. Parang sandaling tumigil ang mundo ko, tumigil ang takbo ng ferris wheel.. at wala akong ibang nakikita kundi siya.


Ganito ba kapag inlove? Napalunok ako nang mapansing hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin.


"May.. may dumi ba sa mukha ko?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Mas lalong lumapit ang mukha niya habang nakatingin siya sa labi ko. Pumikit ako.. at naghihintay ng mga susunod na mangyayari.

Pero ilang segundo na ata akong nakapikit.. pero wala akong nararamdaman na kung ano. Kaya dahan-dahan kong minulat ang isang mata ko. Medyo napahiya naman ako nang makita ko siyang nakatingin na sa labas ng ferris wheel. Syeteng buhay 'to! Para akong tanga na naghihintay sa kawalan. Bigla ko tuloy na-realize ang kalandian ko! Nahihiya ako para sa sarili ko!


Pinilit ko nalang ngumiti habang siya ay nakatingin pa rin sa labas ng ferris wheel. Napasilip na rin ako sa labas at laking gulat ko nang mapansin.. na nasa pinakatuktok na ang sinasakyan naming ferris wheel. Napapikit ako sa sobrang kaba.


"Erah, are you afraid?" tanong niya sa akin. Kahit ang lamig-lamig sa loob ng ferris wheel ay pinagpapawisan ako. Para akong natatae sa sobrang takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naiiyak na ata ako. Shet!


Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay. Hindi ko pa rin minulat ang mata ko.. at damang-dama ko ang mahinang paggalaw ng ferris wheel na sinasakyan namin.


"Shet! Baba na tayo!! Ayoko na rito!!" naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Para akong batang nagsusumiksik sa kanya. Hindi ito 'yong normal na rides na kapag sumigaw ka nang todo-todo ay mawawala ang takot mo dahil sa pagsigaw mo. Hindi ganito 'yon. Iba 'to. Dahil kapag sumigaw ka, mas lalo mo atang mararamdaman na gumagalaw ang sinasakyan mong ferris wheel.


"Gusto ko na talaga bumaba..." mahinang sabi ko. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na pagkayakap niya. Hindi ko makalma ang sarili ko dahil everytime na sinusubukan kong imulat ang mata ko, nakikita ko pa ring nasa pinakatuktok kami.


"Hugging is a good medicine. It can also say things you don't have the words for." para bang kumalma ang puso ko. Hindi naman nawala ang takot ko pero alam kong nabawasan dahil sa yakap na iyon kung saan naramdaman ko na safe ako.. Safe ako kapag kasama ko siya.


"Are you still afraid?" tanong niya sa akin. Bigla naman akong nagulat sa paghalik niya sa buhok ko. Hindi tuloy ako nakasagot sa tanong niya.. at imbis na makapagsalita ay naalala ko ang unang pagsakay ko sa rides kasama ang kapatid niya, ang partner in crime ko..


"Nakasurvive ka. Ayaw mo non? New experience. Masaya kaya kapag may nalalaman at natatry kang bago. Ang buhay dapat ienjoy 'yan. Hindi kasi natin alam ang mangyayari sa araw-araw. At wag na wag mong kakalimutan na ang poging si Ethan Atienza Garcia ang nagturo sa iyo para mawala ang takot mo sa rides."


Para bang nag-flashback sa akin ang mga oras na 'yon. Ang mga oras na para bang nagpapaalam siya sa akin. Ang daya-daya niya kasi, e. Tinuruan niya akong maging matapang.. kung paano labanan ang problema habang nakangiti. Pero maduga! Maduga siyang magturo! Sabi niya kasi dati, walang iwanan, e. Hindi man lang niya kami nakita ni Rex.. na masaya.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon