♕ [13]

3.6K 140 11
                                    

♕ [13]

Unfair



Ang hirap maging ako. Palagi kong sinasabi 'yan sa sarili ko. Iyong tipong lahat ng dinadaanan ko, may surprises na naghihintay sa akin. Ang saya diba?


Hindi nga lang 'yong surprises na tipong maiiyak ka sa tuwa. Kundi 'yong surprises na maiiyak ka sa sobrang sakit. Dahil kung hindi tinik sa daan ang naapakan ko, floorwax naman ang bubulaga sa akin.


Akala ko noon, masaya kapag madaming surprises. Sabi nga nila, surprises is the greatest gift which life can grant us. Hiniling ko pa nga na sana araw-araw birthday ko para araw-araw din silang may surprise sa akin. May cakes, balloons, clowns at iba pang magiging dahilan ng kasiyahan ko. Pero nagkamali ako eh.


Hindi pala lahat ng surprises, masaya. Karamihan sa surprises puro sakit lalo na kapag ikaw ay ako.



Sinabihan ako ng doctor na medyo matatagalan pa ang pagbalik ko sa bahay. Mas mabuting dito muna ako sa ospital para maalagaan ako at maiwasan ko ang kamalasan ko sa buhay. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o realtalk talaga ang sinasabi niya sa akin.



Pero kung ako naman ang papapiliin ay uuwi na ako. H'wag lang nila akong bibigyan ng salamin dahil baka basagin ko ang salamin sa mga mukha nila. Naririndi akong makita ang sarili kong mukhang nagulungan ng truck sa mukha.



Masayang alalahanin ang mga nangyari noong nakaraang araw. Literal na surprises. Hindi simpleng surprises dahil mula 'to sa taong pinapangarap ko. Pero iba kasi ang nangyari. Dalawa pala ang surprises ang mangyayari sa akin noong araw na 'yon. Isang good at isang bad.



"Eraaaaaaaaaaah!" rinig kong sigaw ni Yaya.



Mas minabuti kong pumikit kaysa makita ang masakit na pagbagsak ko sa baba. Naka-wheel chair pa ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos nito. Basta, ang naiisip ko lang ngayon ay ang malas malas kong nilalang para mangyari sa akin ang mga bagay na ito.



Rinig na rinig ko pa rin ang sigawan nila at ang hagulgol ni Yaya. Wala akong maramdaman. Feeling ko namamanhid na ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Pero dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.



Para akong nasa paraiso. Sinubukan kong igalaw ang kamay kong napupuno ng mga pulang rosas. Kitang-kita ko din ang lamesa na may kasamang dalawang upuan na pinalilibutan ng iba't ibang kulay ng kandila. Para sa amin ba iyon? Naramdaman ko na ang unti-unting pagtulo ng luha ko. Kahit papaano ay nakikita ko pa rin naman ang mga tao sa loob na nakatingin lahat sa akin. Iyong mga nurse na may hawak ng letra kanina ay nakalapit na sa akin ngayon. Binitawan na nila ang mga hawak nila. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nila. Lumuhod si Yaya at natuluan pa ako ng kanyang mga luha.



"Sorry, Erah.." mahinang sabi niya at napayakap siya sa akin. Pinilit kong ngumiti.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon