♕[31]
Tigil
Kuya Kevin :
Where are you?
Napatigil ako sa paglalampaso ng sahig dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong pinunasan ang pawis ko bago dinampot ang cellphone ko na nakalagay sa lamesa. Isang minuto ko 'tong tinitigan dahil baka namamalikmata lang ako na si Kuya ang nag-text sa akin. Pero hindi! Kahit titigan ko ata 'to magdamag ay walang magbabago. Mananatiling si Kuya pa rin ang nag-text sa akin.. at hindi si Rex.
Nakakamatay talagang umasa minsan, e! Shete. Ang drama ko talaga. Pero Sabado kasi ngayon at umaasa akong baka magkikita kaming dalawa. 'Yong kaming dalawa lang. 'Yong mag-aala prinsesa ako na tumatakas sa kaharian tapos hahabulin ako ng mga royal guards..pero hindi sila mananalo dahil darating ang prince charming ko para sagipin ako. At dadalhin niya ako sa malayong lugar tapos may forever na kami. The end.
Kaso.. hindi ganoon, e. Eto ako. Naglalampaso dahil inutusan ni Yaya. Sahig ang ka-date ko ngayong araw. At ang pinakamatindi, naghihintay ng text mula sa isang tao pero ibang text ang nakukuha ko. Edi wow. Ganda ng forever ko diba? Napailing nalang ako at mariin na nag-type ng isasagot kay Kuya.
Ako :
Nasa bahay po, Kuya. Bakit?
"Ano ba 'yan, Erah? Galit na galit lang sa cellphone? Kung ayaw mo na niyang cellphone mo.. nandito lang ako para bagsak--
"Yaya naman, e!! Asa ka namang ibibigay ko 'to. May sahod ka naman, e. O kaya hingi ka sa Kerubin mo." napasiring si Yaya sa akin sabay naglakad papalayo. Nababadtrip talaga 'yon kapag binabanggit ko sa kanya si Kerubin, ang kanyang prince charming. Pero halata namang tuwang-tuwa rin kapag inaasar ko siya. Ang gulo diba? Ganoon ba talaga kapag tumatanda na? Nahihiyang ipakitang kinikilig rin minsan?
Biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Mabuti nga't hindi na naman ako umasa na baka si Rex ang nag-text dahil si Kuya Kevin na naman.
Kuya Kevin :
Let's meet? May pinabibigay sa 'yo si Mom. I'll wait you here inside the Coffee House.
Bigla naman akong nataranta sa text ni Kuya. Ano na naman kaya 'yong pinabibigay ni Mom? Kung alam ko lang na oras-oras din nila akong i-te-text o tatawagan ay doon muna ako namalagi sa bahay. Nagpaalam kasi ako kahapon kay Mommy na sasamahan ko muna si Yaya ngayong weekend. Napakamot nalang ako sa ulo ko at mabilis na tumakbo papunta kay Yaya.
"Yaya! Aalis ako. Pinapupunta ako ni Kuya sa Coffee House, e. May pinabibiga--
"Oh? Chill lang! Madaling-madal--Ay naku! Baka si Rex na naman 'yan. Sa akin ka pa ba magtatago?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yaya. At feeling ko, nakaramdam ng bitterness ang buong katawan ko. Ilang araw na nga kaming hindi nagkikita ni Rex dahi medyo iwas kami sa isa't-isa. Nandito kasi si Kuya palagi. Pero ang nakakalungkot lang, hindi na nga kami nagkikita.. hindi pa siya nag-te-text sa akin!
"As if naman, Yaya! Hindi na nga nag-te-text 'yong tao.. makipagkita pa kaya?" iritado kong sagot kay Yaya.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...