♕ WAKAS

4.7K 144 81
                                    

♕ WAKAS


Napanganga ako habang unti-unting lumalapit sa akin ang lalaking nakamaskara ng mukha ni Ethan na printed. Alam kong hindi ito si Ethan. Ang tanga ko naman kung iisipin kong si Ethan 'yon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya. Napatingin rin ako sa mga kasama ko. Si Yaya, mga kaklase ko noong highschool, ka-cheerdance ko, si Hellice at Halie at marami pang iba na hindi ko naman masyadong maalala.

"Hindi ako sinuka! Inire ako!" pagkatapos niya sabihin 'yon ay tinanggal niya ang maskarang suot niya at bilang tumawa!

"Ryker!" napatakbo ako sa kanya at halos mapatakbo rin ang may hawak noong cape sa likuran ko. Muntik pa nila akong maitulak!

"Aray!" bulong nila sa likuran ko. Napatigil naman ako sa takbo dahil parang nagsuccession sila sa likuran ko.

"Hala! Sorry!" natawa naman si Ryker sa reaksyon naming lahat. Siya nalang ang lumapit sa akin sabay bulong "Muntikan na naman 'yon, Erah! Baka hindi pa natatapos ang gabing ito.. masugod ka na naman sa hospital!" tumawa ulit siya. Nanliit naman ang mata ko.

"Bakit ka andito? At bakit mo naman suot 'yan?" sabay turo ko roon sa maskara na suot niya kanina.

"Akala ko magiging engot ka ulit at mapagkakalaman ako na ako naman si Ethan! Dati si Rex, 'di ba?" pilyo niyang sabi. Hindi ko ma-take ang pang-aasar niya! Ang sarap niyang kalbuhin sa harap ng mga taong nasa likod ko.

"Nga pala, hindi po ako lalaki ni Erah.. ha! Baka isipin n'yo lalaki niya ako! Gwapo lang po ako.. pero hindi ako kasama sa mga lalaki niya!" kinawayan niya naman ang mga ka-cheerdance ko na halos titigan abot bone marrow si Ryker.

"Hi girls. Ako nga pala si Ryker Vergara mula sa Sitio Luciana.. Malayo sa siyudad pero nandito ako para masaksihan ang lovestory ni Erah at ng pinsan ko! Opo, tama po ang narinig n'yo. Pinsan ko po 'yong mukhang ingrown na kinababaliwan nitong--" hindi pa siya tapos magsalita ay nahampas ko na siya. Tawa naman nang tawa ang mga kasama ko. Kahit si Yaya ay nakikitawa na rin.

"Ano ba! Sinasabi ko lang naman ang totoo! Palibhasa.. patay na patay kay Rex kaya hindi mo nakikita na mukha siyang ingrown!" sigaw niya pa sa akin. Halos apakan ko naman ang paa niya sa mga pinagsasabi niya. Napaurong tuloy siya at umiling!

"Kung ganyan lang naman sasabihin mo.. hindi ka welcome rito!" sabi ko naman sa kanya.

"Naku! Sayang naman 'yong regalo ko! May dala pa naman akong mga gwapong lalaki fresh from Sitio.. boys! Come here!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at bigla siyang pumalakpak. May kasama siyang tatlong lalaki na may mga itsura rin.

"'Yong plano!" sigaw niya. Kinabahan naman ako nang biglang tinaas noong tatlong lalaki ang kanilang mga damit sa harapan namin. Napatakip naman sa mata ng kanilang mga kamay 'yong ibang girls pero si Kuya Chris naman ay mas lalong nanlaki ang mata at pumwesto pa sa harapan! What the heck?

"'Yong position n'yo! Brayden! Bob!" sigaw niya pa ulit. Gusto ko nang sumigaw sa pinaggagawa nila. Anong position naman 'tong tinutukoy nito? Lord, help me please po! Sana po makasurvive pa ako hanggang matapos ang gabing ito!

"Omygash! SPG! Ang Programang ito ay Rated SPG, Striktong Patnubay at Gabay ng Magulang ay Kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lengwahe, Karahasan, Sekswal, Horror, o Droga na HINDI angkop sa mga bata." tumili pa si Kuya Chris sa harapan. Halos bumara naman 'yong laway ko sa aking lalamunan! Shet naman oh!

"Ano ba 'to, Ryker! Bumalik ka nalang sa Sit--" hindi na ako natapos magsalita dahil napapikit na rin ako sa pagtanggal nila ng kanilang t-shirt! Nilagay ko pa ang kamay ko sa mata ko. Pabebe ako, guys! Hindi ko keri 'yong mga ganyan!

Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon