♕ [38]
Justice
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Pero mukhang kahit anong gawin ko, hindi ako matigil sa pag-iisip kung ano bang gagawin ko. Hindi naman kasi p'wedeng tumunganga nalang ako rito at hintayin kung ano ang mga mangyayari. Hindi p'wedeng magpatalo lang ako sa emosyon ko.
"Ma'am Erah, may tumatawag po sa telepono. Hinahanap po kayo." nagmadali akong tumakbo papunta kay Manang at agad na isagot ang tawag. Pero halos mabitawan ko ito nang marinig ko ang boses ng mga ka-grupo kong galit na galit sa akin.
"Parang-awa mo na naman, Mercado.. Maki-cooperate ka naman." rinig kong sabi ng isa kong ka-blockmate.
"Hindi lang naman kasi grade mo ang nakasalalay dito. Grade nating lahat. Akala ko ba i-se-send mo na? Tatlong oras at mahigit na kaming naghihintay dito pero.. asan na? May sinend ka ba?" masungit na sabi sa akin ng lider namin sa grupo. Hindi ako makasagot sa mga sinasabi nila sa akin dahil sa mga oras na ito, naguguluhan ako.. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Kung p'wede nga lang hatiin ang utak, ginawa ko na. Pero hindi, e. Hindi p'wede.
"Ano, Erah. Sumagot ka naman.." pagmamakaawa nila sa akin. Para na naman akong natanga dahil hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. Ganito ba kapag napuno na lahat ng mga problema?
"Hihintayin ka namin dito kanila Ursula. Alam mo naman 'yong bahay, diba? Pumunta ka nalang kung hindi mo masend 'yong pinapagawa namin sa 'y--
"Hindi..ko..alam.. kung paano ako makak..apun..ta" dahan-dahan kong sabi. Pumikit ako nang mariin bilang paghanda sa mga maririnig kong masasamang sasabihin nila. Mga grade conscious kasi 'tong mga ka-group ko. Eh ako? Ano bang laban ko?
"Hindi p'wede. Dapat pumunta ka. Hihintayin ka naman namin, e." rinig kong sabi pa noong isa.
"May problema kasi.. eh. Pasensya na tala--
"Baka nagpapalusot ka lang, ha. Erah.. please naman.." at kung anu-ano pang narinig kong sinasabi nila. Wala na akong nagawa kundi ibaba ang telepono kasabay ang pagbuhos ng luha ko. Rinding-rindi na ako sa mga nangyayari. Parang sa mga oras na 'to, ako lahat may hawak ng mga bagay-bagay. Parang nasa akin ang desisyon kung gagawin ko ba o hindi. Paano ko pa ba malalaman ang tama at mali sa mga oras na ito?
Panay punas ko sa luha ko habang nakaupo sa isang saglit. Inabutan naman ako ni Manang ng tubig para mahimas-masan ako.
"What's happening?" bigla akong napatingin sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Mom. Nanatili akong nakatulala habang pinagmamasdan sila Mom at Dad na papalapit sa akin. Mas lalo akong nataranta dahil hindi ko alam kung paano na naman ako magpapaliwanag.
"Why are you crying?" tanong sa akin ni Mom habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi ako umimik at nanatili akong nakayuko.
"Manang, asaan po si Kevin?" rinig kong sabi ni Dad kay Manang. Agad naman itong umiling kay Dad na para bang nagsasabing wala siyang alam.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...