♕[32]
Emotions
"Kaibigan lang ako ni Erah, pre." seryosong sabi ni Warren kay Rex at saka inabot ang kanyang kamay. Tinitigan lang muna 'to ni Rex bago tuluyang nakipagkamay.
"Rex Garcia. Erah's future boyfriend." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang nakikipagkamay kay Warren. Alam kong hindi pabiro 'yon dahil kailan ba nagbiro ang isang Rex Garcia? At bakas naman sa mukha ni Rex na walang halong biro at seryoso siya sa mga sinasabi niya. Maski si Warren ay halos nagitla sa sinabi ni Rex at napatingin sa akin.
"And don't you dare to mess with me." dagdag pa niya. Hindi nalang ako nakaimik at ngumiti nalang ako kay Warren. Dahan-dahan naman siyang napatango kay Rex. Parang nilagyan ng mighty bond ang bibig ko at wala akong masabi sa mga oras na 'to.
"Sorry. Wala talaga akong kaalam-alam. And by the way, I am Warren Navarr--
"I'm not interested. Let's go Erah." dire-diretso niyang sabi sabay hila sa akin. Nanatili pa rin namang nakatingin ang mga mata ko kay Warren habang hinihila ako ni Rex.
"Wait lang, Re--
"What do you want?" biglang natigilan sa paglalakad si Rex at humarap sa akin. Napayuko naman ako habang nilalaro ang daliri ko.
"Magpapaalam lang ako kay Warren. Ang sama naman kas--
"Fuck, Erah!" sigaw niya at biglang napabitaw sa pagkakahawak sa akin. Napapansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng mga tao sa daanan.
"Rex, hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang magpaalam. At pakiusapan na sana h'wag niyang sabihin 'to--
"Do whatever you want, Erah! I think you don't need me, anymore. I'm leaving!!!" natigilan ako sa sinabi at para bang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napatakbo naman si Warren papalapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
"Pre, wala naman ata sa tama 'yan. Hindi mo naman dapat sinisigawan ang babae. Lalo na kapag mahal mo." nanlaki ang mata ni Rex sa sinabi ni Warren. Napailing ako at inalis ko ang kamay ni Warren sa braso ko.
"Please, Warren. H'wag ka na mangialam. Pati h'wag mo sanang sasabihin 'tong mga nangyari kay Kuya. Lahat ng nakita mo. H'wag mong sabihin.." pagmamakaawa ko kay Warren. Tumango naman siya at muli akong bumaling kay Rex.
"Erah--
"Aalis ka? Iiwan mo na naman ako? Dyan ka naman magaling, Rex.. eh! Ang iwan ako. Ang mapagod sa akin! Sana hindi mo nalang pinaabot sa ganito bago ka bumitaw. Ako na naman 'yong mahihirapan, e. Alam mo bang inabot na ako.. ng ilang taon para lang subukang mawala ang pagmamahal ko sa 'yo? Pero hindi naman ako nagtagumpay, e. Kasi bumalik ka.. bumalik ka na naman. Tapos.. iiwan mo na naman ako. Bibitaw ka na naman. Ang sakit--
"Erah, I'm sorry.." hinawakan ako ni Rex sa kamay ko pero agad kong inalis 'yon. Dahan-dahang tumulo na rin ang luha ko. Si Warren naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ko na walang imik.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]
ChickLitNang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kas...