♕ [23]

3.1K 196 11
                                    

♕ [23]

Pancakes




"Crack the eggs into a bowl and beat it until creamy." napatango ako habang binabasa ni Yaya ang procedure kung paano gawin ang pancakes. Desidido talaga akong gumawa ng pancake kaya maaga palang ay pinapunta ko na si Yaya sa palengke para bumili ng ingredients.



Ngiting-ngiti naman ako habang gumagawa ng pancakes na 'to. Panigurado akong masarap 'to dahil may kasamang pagmamahal ang ingredients nito. Ang taray, diba? Pancakes with love. Ang cheesy!


Ilang oras na lang ay baka dumating na si Rex para sunduin ako sa muling pagkikita namin kaya naeexcite na ako. Parang ngayon palang nagwawala na ang puso ko. Naalala ko rin namang hindi nakain ng matatamis si Rex noon kaya pancakes nalang ang naisip kong gawin imbis na cake.



"Patapos na ba, Erah?" sabi ni Yaya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. First time kong gumawa ng pancake dahil kadalasan pinagluluto lang ako ni Yaya kapag gusto kong kumain nito. Ayoko namang umasa sa kanya sa pagkakataong 'to dahil para kay Rex 'tong ginagawa ko. Sabi nga nila, the way to a man's heart is through his stomach. Kaya push, Erah! Baka sakaling makagayuma mo si Labidoo!!



"Ano ba 'yan, Erah! Napapalakas pag-beat mo at tumatalsik na sa akin. Dahan-dahan lang. Galit na galit lang sa pagbi-beat?" napatawa naman ako sa sinabi ni Yaya at inalalayan niya naman ako sa paggawa. Mahirap talaga kapag iniisip mo 'yong taong gusto habang nagluluto dahil pati 'yong walang kamuwang-muwang na niluluto mo, nadadamay. Hindi kasi dapat dinadala ang kalandian sa pagluluto, e! Pagmamahal lang dapat!



Natapos ang pagluluto namin ni Yaya ng pancakes at parang gusto ko na itong kainin dahil ang bango bango niya. Napatitig lang ako na para bang naglalaway na rin pati ang mata ko. Posible ba 'yon?



"Erah, ano ba 'yang ginagawa mo? Kala ko ba para kay Rex 'yan, eh.. bakit parang kakainin mo na?" halos mapatalon ako sa salita ni Yaya. Nabitawan ko rin ang hawak kong maliit na pancake.. at dahan-dahan uli itong inayos sa lalagyan.



"Ahh..eh.. Inaayos ko lang sa lalagyan, Yaya. Para cute." huminga ako nang malalim at binalik ito sa lalagyan. Napataas naman 'yong kilay ni Yaya at ngumiti lang ako. Magluluto ulit ako sa susunod dahil.. nakakatakam talaga kumain ng Pancake!! Tuwang-tuwa ko ring pinaulanan ng syrup ang pancake na ginawa ko para sa kanya.



Maya-maya ay narinig kong tumunog na ang cellphone ko kaya halos madapa akong tumakbo papunta sa sala. Agad ko 'tong tiningnan at hindi ako nadismaya kung sino ang nag-text.



Labidoo <3 :


Are you ready? Paalis na ako.



Reyna ng Kamalas-malasan Season 2 : His Unlucky Queen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon