Bakit

36 0 0
                                    

Bakit bumalik ka pa kung kelan ok na ako?
Bakit bumalik ka pa kung kailan malapit ng mawala sakin ang mga alaala mo?
Bakit bumalik ka pa kung kailan handa na akong magpapasok ng iba sa mundo ko?
Bakit.... Bakit.... Bakit...
Puro na lang bakit ....
Walang katapusang bakit...
Minahal kita ng ilang taon, pero bakit sinayang mo lang 'yon?
Minahal kita ng higit pa sa buhay ko, pero bakit sinayang mo lang ito?
Minahal kita ng di ko iniisip ang sarili ko, pero bakit tinapon mo lang 'yon?
At higit sa lahat, minahal kita ng walang pakialam sa sasabihin ng iba, pero bakit iniwan mo pa din ako?
Bakit tila kay saklap ng pag-iibigan natin?
Na kung dati ay masaya,
Dati ay puno ng sigla,
Dati ay puno ng kislap ang mga mata.
Bakit lahat ng 'yon ay binaliwala't tinapon mo ng akoy iwan mo.
Akala ko, ikaw na yung sagot sa mga dasal ko.
Dasal na paulit-ulit na sinasambit ko,
Na sana'y magtagal tayo,
Na sana ikaw at ako hanggang dulo.
Tumagal nga tayo, pero di tayo umabot hanggang dulo.
Ibang dulo ang naabot ko sa'yo
Dulo ng sukdulan ang binigay mo.
Tumagal tayo ng araw, buwan, at taon.
Akala ko sa mga taon na nagkasama tayo ay di na mapaghihiwalay pa.
Pero mali...
Mali ako....
Mali ako dahil sa tagal ng panahon na ating pinagsamahan,
Ay nagkalayo pa din tayo.
Nagkalayo tayo dahil hindi mo kaya.
Hindi mo kinaya ang layo at agwat natin sa isa't ISA
Kaya ika'y naghanap ng iba.
Naghanap ka ng makakapuno sa layo ko sayo.
Tapos nga'yon ay babalik ka at guguluhin na naman ang tahimik kong mundo?
Bakit?
Dahil ba wala ka ng ibang maloko?
Dahil ba wala ka ng ibang mauto?
O dahil ba sa gusto mo na naman pagtripan ako?

----JELYN----

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon