Gitara

286 5 0
                                    

Sa bawat kalabit ng kuwerdas ng gitara,
Tunog na sadyang nakahahalina.
Mga damdaming nagugunita,
Panahong sila'y nasa saya at dusa.
Na pilit bumabalik, kahapong alaala

Mga tugtog nito'y para sa magnobya
Upang magtagal matamis na pagsasama
Na pinagtibay, paborito nilang kanta.
Sabay sa himig ng Gitara

Minsan naman tugtog nito'y sa mga nag-iisa,
Uhaw sa pag-ibig at hanap ay makakasama
Habang naririnig tugtog na kaiga-igaya,
Sabay sa pagpatak, luha ng pangungulila.

Kaya sana'y kaibigan ang ituring,
Sa gitarang laging kapiling.
Lungkot man o saya ang himigin,
Sa tuwing naaalala, tugtog ng kahapong
Saliw ng damdamin.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon