Magulong Usapan

155 4 0
                                    

Wag ka masyado mag expect
Kahit lagi kayong magka text
Wala kayong commitment
Kahit kayo ay consistent

Pwede kang magtampo
Kahit isigaw sa mundo
Pero hindi ka pwedeng magalit
Hindi ka pwedeng magsungit

Pwede ka makipag date sa iba
Kahit ilan pa
Pero wag ng magpaalam
Baka mapahiya pa

At pag nalaman mong may iba na siya
At ipinagpalit ka sa iba
Pwede kang umiyak
Pwede kang masaktan

Pero hindi mo siya pwedeng sumbatan
Mas mabuting siya ay kalimutan
At MU ay laging tandaan
Ito ay isang MAGULONG USAPAN

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon