Hiram na Oras

42 1 0
                                    

Malalim na ang gabi....
Payapa na ang gabi...
Payapa na ang mga sandali....
Wala kang ibang maririnig kun'di  huni  ng kuliglig sa puno...
Ito yung mga oras na pwede kang mag-isip na walang gagambala sa'yo.
Ito yung oras na pwede kang magtanong sa kawalan.
Ito yung oras na mailalabas mo yung mga tinatago mong emosyon.
Ito yung mga oras na saglit lang,
Pero pakiramdam mo andami mong oras.
Oras para mag-isip...
Oras para magtanong...
Oras para kausapin ang Diyos...
Oras na pinagkait sa'yo ng buong maghapon dahil sa mga gawain mo...
Dahil sa trabaho mo...
Dahil sa pamilya mo...
Sa saglit na oras na'to,
Dito mo mapagtatanto lahat ng bagay bagay.
At higit sa lahat....
Ito yung oras na pwede mong iiyak ang lahat...
Lahat ng sakit
Lahat ng panghihinayang
Lahat ng panibugho
Lahat ng alaalang gusto mong ibaon sa limot
Lahat ay pwede mong ilabas sa oras na'to.
At isa ako sa mga taong nag-aabang sa oras na'to.
Nag-aabang sa oras na baka pwede ko ng ilabas lahat ng saloobin ko...
Yung oras na wala ng manghuhusga sa pagkatao ko...
Yung oras na wala ng mga mata ang titingin at labing magtatanong,
Kung bakit hanggang dito na lang ako.
At dito sa mga oras na ito mo malaman, makikita, maririnig at mararamdaman ang nilalaman ng puso at isip mo.
Kay sarap tumigil at manatili sa mga oras na ito...
Mapayapang gabi kung saan payapa din ang puso mo...
Ngu'nit alam kong di pwede ang ninanais ko...
Kaya't habang nandito ka pa sa mga oras na ito,
Damhin at lasapin mo ang payapang oras na ipinahiram sa'yo.
Pagkat ilang oras na lang ay babalik ka na sa realidad mo....
Realidad kung saan,
Hindi mo na hawak ang oras mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon